Unang laro ng PBA 43rd Season, nakuha ng San Miguel Beermen

0
346
KAMPEON ng tatlong Philippine Cup mula noong 2014-15, 2015-16, at 2016-17, at walang duda na ang San Miguel ang siyang mangingibabaw upang magwagi ng kanilang ika-4 na titulo sa 2018 PBA Philippine Cup na nagsimula noong Disyembre 17, sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.
Sinimulan ng Beermen ang kanilang 4-peat campaign kontra Phoenix Petroleum sa nag-iisang game ng opening day matapos ang isang simpleng opening rites ng ika-43 taon ng liga.
Gayunman, aminado si Austria na may malaking pressure para sa kanyang koponan dahil kailangan nilang panindigan ang malaking ekspektasyon sa kanila.
Buong pagkakaisa ang line-up ng Beermen na pinangunahan ni 4-time MVP Junemar Fajardo, Aewind Santos, Chris Ross, Alex Cabagnot at Marcio Lassiter, upang madomina ng Beermen sa All-Filipino Conference ang Phoenix Petroleum sa score na 104-96.
Malaki ang iniambag ni four-time PBA MVP June Mar Fajardo na nakapagtala ng 23 points, 16 rebounds, four assists, at four blocks sa opening salvo ng pinakamatagal na liga sa Asya.
Bukod kay Fajardo, si Alex Cabagnot ay nagtala ng 22 markers, four assists, at two boards, samantalang si Marcio Lassiter ay umiskor ng 20 points at nakapagtala ng 4-of-9 mula sa three points teritory.
Si Chris Ross ay nagtala ng 16 puntos, nine dimes, at six rebounds, samantalang si Arwind Santos ay kumolekta ng double-double na may 14 points at 11 boards.
“The first win is always really hard, especially for our team. Everybody prepares hard for us, but fortunately, all of our starters scored in double figures,” sabi ni San Miguel coach Leo Austria.
SAN MIGUEL 104 — Fajardo 23, Cabagnot 22, Lassiter 20, Ross 16, Santos 14, Pessumal 5, Ganuelas-Rosser 4, Agovida 0, Heruela 0, Lanete 0, Mabulac 0, Mamaril 0, Vigil 0.
PHOENIX 96 — Chan 18, Wright 12, Alolino 11, Chua 11, Wilson 11, Dehesa 8, Kramer 6, Jazul 4, Eriobu 2, Intal 2, Revilla 1.
Quarters: 23-18, 47-37, 79-68, 104-96.
Bago ang opening ng 2018 PBA Philippine Cup, nag-resign na bilang commissioner ng PBA si Chito Narvasa.
Sa isang press conference, sinabi ni Ricky Vargas ng Talk ‘N Text, new chairman of the PBA Board of Governors, na tanghali ng Linggo bago ang 43 Season ay nagbigay na ng resignation letter si Narvasa.
“We thanked him for all of his contributions to the PBA,” sabi ni Vargas.
“However, the PBA Board, in a resolution passed today, asked Chito Narvasa to stay until the end of the year,” dagdag ni Vargas.
Si Narvasa ay mananatili bilang commissioner hanggang Disyembre 31 at susuportahan ang board para sa transition period.
Sa ngayon, si Willie Marcial, communications and external affairs director of the league, ay itinalaga bilang officer-in-charge.
“We’re back together, stronger than ever,” saad ni Vargas, who was joined by the entire board during his brief speech at the press room at the Big Dome.
“This is the PBA Board of Governor that will serve its term in the 43rd PBA season,” he added.
“We’re stronger than ever, and we will stay like that as we begin the healing process. This is all for the fans,” pagtatapos ng bagong chairman ng PBA Board of Governors.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here