Payo pang kabataan

1451

Noong ako’y bata pa nais ko nang magdalaga at mapunta sa mundo ng kabataan dahil sa mga napapanood ko sa mga pelikula puno ng kasiyahan ang kanilang buhay na para bang wala ng makakapigil sa kanila. Ngunit ngayong dalaga na ko at ako ay nasa edad na ng kabataan, Napaka hirap pala yung tipong hindi mo mapagsabay sabay lahat ng iyong mga responsibilidad,alam kong nakakarelate ka kaya naman narito ang ilang payo para sa iyo kapwa kabataan:

1.) Gawin ang mga gawainsa tamang Oras- karamihan sa atin kapag may binigay na takdang aralin ang mga guro pinapatagal natin ito hanggang sa malapit ng matapos ang pasahan, na siyang nagiging dahilan upang matambakan tayo ng mga gawain. Na magiging dahilan upang tayo ay ma stress kaya’t payong kaibigan, gawin agad ang mga iniatas sa iyong gawain.

2.) Stress- ang tinutukoy kong stress dito ay ang mga stress na hindi mabuti o nakasasama sa atin. Isa sa mga dahilan ng ating stress ay ang mga gawain sa eskwela, problema sa pamilya o kaibigan. Matutong magbigay ng oras para sa sarili upang maibsan o mabawasan ang stress maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng mga sumusunod:

*Pagyoyoga -isa ito sa pinaka mabisang paraan sa pagbabawas ng stress dahil dito ay narerelax ang ating katawan at utak natin, at napapahinga ang mga ito.

*Pag eehersisyo-sa paraan ng pag eehersisyo nalalabas nito ang mga toxins sa ating katawan na syang magbibigay ng positibong balik sa ating sarili.

*Pagsasaya- Isa ito sa pinaka mabisang paraan dahil inaalis nito ang stress sa iyong katawan at pinapalitan ito ng saya, maari kang mag saya sa iyong mga kaibigan, nobyo o kahit sa iyong sarili.

*At ang iyong paraan ng pag aalis ng stress- mayroon tayong kanya kanyang paraan ng pagaalis nito ang iba ay sa paraan ng pakikinig sa musika, pagkain, pagtulog at kahit ano pa man yan basta ito ay nakakabawas sa iyong stress, gawin mo ito.

3.)Pagbabalanse ng Oras- Marami sa ating mga kabataan ay namomroblema rito kadalasan ay hindi na natin alam kung paano pa natin magagampanan ang ating mga responsibilidad. Makakatulong dito ang pag ti-time management magbigay ng espesipikong oras sa bawat responsibilidad na mayroon ka sa pamilya ,kaibigan , at maging sa iyong sarili.

4.)Sundin ang iyong mga Magulang- Marami sa ating mga kabataan ang ipinagsasawalang bahala ang payo at paalala sa atin ng ating mga magulang, ngunit lagi nating tandaan na ang ating mga magulang ay hindi gagawa ng anumang ikasasama natin sa halip ay ang gusto lamang nila ay ang makabubuti sa atin, kaya naman pahalagahan natin ang kanilang mga payo at maging mabuti sa kanila.

5.)Mga problema sa balat-karamihan sa ating mga kabataan ay nagkakaroon ng tigyawat dahil sa pagdadalaga o pagbibinata na kilala rin sa tawag na “puberty” upang mabawasan o maiwasan ito huwag kalimutang maghilamos ng muka dalawang beses o higit pa sa isang araw, kumain ng mga masustansya , uminom ng walo o higit pang baso ng tubig kada araw at iwasan ang stress, para sa higit pang kaalaman maaari mong bisitahin ang aming mga articles tungkol sa mga pampagandang payo para sa mga kabataan.

6.) Pagbabalanse sa pera- Alam naman natin na tayong mga kabataan ay wala pang sapat nakakayahan upang suportahan ang ating mga sarili at nakaasa pa sa ating mga magulang kaya naman tayo ay mayroong limitado lamang na kakayahan sa usapang pera. Ngunit alam mo ba namamaari kang gumastos at makaipon para sa iyong sarili ng sabay, maging masinop sa pera, Sa eskwela mas mabuting magbaon nalamang ng kanin upang hindi na bumili, ihiwalay ang mga perang pang gastos, at maglagay sa iyong alkansya, at ang natirang pera ay maari mong gamitin sa kung saan mo gustuhin, ito ang aking ginagawa na nais kong ibahagi para naman kayo ay magkaroon din ng maayos na paghawak sa pera.

7.) Palaging manalig sa Diyos- Ang Diyos ang pinaka una at pinaka mabisang inspirasyon sa buhay , kaya naman sa lahat ng problema at kasiyahang iyong kahaharapin tandaan na nariyan lamang ang Diyos para sa iyo sya ang tutulong at gagabay sa iyo papunta sa tamang daan na dapat mong tahakin.

8.)Gumawa ng planner- Marami tayong mga ginagawa bilang isang kabataan, at minsan ay nakakalimutan natin ang iba sa mga ito , ang mabisang solusyon dyan ay ang pagkakaroon ng planner upang hindi mo malimutan o makaligtaan ang mga dapat mong gawin at ang mga importanteng okasyon.

9.) Huwag Magpuyat- Dahil nga marami tayong ginagawa kailangan ng ating katawan na makapag pahinga at mag restore. Kung ikaw ay palaging puyat makakasama ito sa iyong katawan at magpapahina dito, maari din itong maging sanhi ng mga skin break outs o tigyawat . Kaya’t alagaan ang iyong sarili at subukang magtulog ng 9-10 pm at magkaroon ng pito hanggang walong oras ng tulog.

10.) Alalahanin ang iyong mga inspirasyon- Mapa pangarap man yan, Pamilya, kaibigan , sarili , nobyo, nobya at kung ano pa mang dahilan ng iyong pag pupursigi sa buhay, lagi itong itanim sa iyong isipan upang ikaw ay mas maging produktibo sa pag abot ng iyong mga pangarap.

Sakabila ng lahat ng ating mga responsibilidad tandaan na kailangan din ng saya ng ating katawan at huwag masyadong ikulong ang sarili sa reponsibilidad ng sahuli ay di tayo magsisi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here