Pauwi Na – True to Life Story ng Isang Pamilya

1945

Nabalitaan mo ba yung isang pamilya na umuwi ng probinsya na gamit lamang ang kanilang padyak? Kung hindi ay panuodin mo na lang ay pelikulang ito para malaman mo ang nangyari sa kanila.

Maraming magagandang reviews ang pelikulang ito kaya naman gusto ko talagang mapanuod. Noong napanuod ko na ay sumang-ayon ako sa mga taong nagsasabi na maganda ang pelikula.

Sobrang makatotohanan nung mga nangyayari sa mga karakters dito bago sila nagpasya na umuwi sa probinsya nila. Kung gaano kahirap ang buhay sa Maynila pero doon pa rin nila pinili na tumira. Yung hirap ng trabaho at kumita ng pera. Kung pano sila minsan walang makain kung hindi noodles na lang. matatawa ka sa mga eksena pero alam mong malungkot kasi totoo at nangyayari yon sa ibang mga pamilya dito sa bansa.

Gusto ko kung paano nila parang pinakita yung karakter na parang si Jesus. Sobrang pang ngayong panahon tsaka walng keme sa buhay. Nakakatawa din na si Isabel (Meryll Soriano) at si Kikay (yung aso) lang yung nakakakita sa kanya.

Sobrang tumatak sa isip ko yung eksena ni Bembol (Pepe) at Cherry Pie (Remy) nung nalaman na ni Remy na may sakit nga si Pepe. As in walang script at salita salita pero sobrang tagos sa puso yung eksenan na yon. Umiiyak lang silang dalawa na para bang gets na gets na talaga nila yung isa’t isa.

Yung yung sobrang nagustuhan ko dito. Kung paano nila napakita yung dynamics ng isang pamilyang Pilipino. Na kahit galit paminsan minsan ay sobra pa din ang malasakit nila sa isa’t isa. Hindi ko lang suto na kinain nila si Kikay. Pero makatotohanan yun kasi sobrang gutom na nila at wala na silang ibang magagawa.

Medyo maraming pang hindi inaasahang mga parte ang pelikula. (SPOILERS) Isa na dito ang pagkamatay ng mga karakter ni Bembol Roco at ni Chai (Pina). Sobrang hindi ko inaakala na mamamatay silang dalawa. Yung kay Bembol ay medyo okay pa dahil may sakit siya pero yung sa karakter ni Chai ay medyo nakakagulat.

Gusto ko din kung pano nila pinakita yung pano tinatrato ng mga tao yung mga hindi nila kakilala. Kung paano magkakaiba yung mga ugali ng mga tao. Kung paano sila nagrereact sa iba’t ibang pangyayari tsaka kapag desperado na ang mga ito.

Maganda talaga yung movie at A+ ang acting ng cast. Super ganda din ng editing at mga panoramic view na pinakita doon sa movie. Sana lang ma-extend pa itong pelikulang ito sa mga sinehan para mas marami pa ang makanuod.