PASYALAN ANG ST. PAUL’S CATHEDRAL

598

Mula sa Barasoain Church sa Malolos City, Bulacan, halina at pasyalan naman natin ang St. Paul’s Cathedral o kilala sa tawag Vigan Cathedral.

Para sa article patungkol sa Barasoain Church, i-click lamang ang link: https://philippineone.com/pasyalan-ang-barasoain-church/

Ang Kasaysayan

Ang St. Paul’s Cathedral ay isang metropolitan cathedral. Itinuturing ito bilang isang major religious landmark hindi lamang sa northern Luzon, kundi ng buong Pililpinas.

Ang St. Paul’s Cathedral na naging sentro ng Roman Catholic devotion ay nakumpleto taong 1800. Ang orihinal na estraktura ay itinayo noong 1574, alinsunod sa utos ng Spanish founder ng Vigan na si Juan de Salcedo. Nagsimula ang katderal bilang isang kapilya na yari sa kawayan at pawid. Taong 1641 nang gawing simbahan ang kapilya.

Nakamit ng simbahan ang titulong Cathedral nang ilipat ang luklukan ng Nueve Segovia Diocese sa Villa Fernandina de Vigan mula Lal-lo Cagayan taong 1758.

Isang panibagong estraktura ang ipinatayo ni Gob. Heneral Jose de Basco noong 1786 bilang kapalit ng orihinal na simbahan.

Ang Arkitektura

Ang Vigan’s Cathedral ay nakasund sa Baroque architectural design. Ito ay pinatibay ng mga Ilokano upang makayanan ng simbahan ang malalakas na lindol. Kilala ang Vigan’s Cathedral bilang isang earthquake Baroguq.

Ilan pa sa architectural influences na makikita sa katedral ay ang neo-Gothic, pseudo-Romonesque, at Chinese craftsmanship.

Makikita sa paligid ng Vigan’s Cathedral ang ilan pa sa mga makasaysayang gusali ng ciudad. Ilan sa mga ito aya ng Episcopal Palace o bishop’s residence, ang diocesan seminary, at ang Vigan Municipal Hall. Katabi rin ng katedral ang dalawang makaysayang plazas—ang Plaza Salcedo na isinunod sa pangalan ng tagapagtatag ng siyudad, at ang Plaza Burgos bilang pagpupugay sa isang bayani ng rebolusyon.

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here