PASYALAN ANG LAS CASAS DE FILIPINAS DE AZUCAR

1186

Ang Las Casas de Filipinas de Azucar Heritage Resort ay isang malawak na complex na matatagpuan sa Bagac, Bataan. Dito nakalagak ang mahigit 27 Spanish-era heritage houses na kilala sa tawag na bahay-na-bato-at-kahoy.

Minsan nang naging laman ng kontrobersiya at mainit na debate sa heritage preservation society ang tinaguriang resort/open-air museum na ito sa Bagac, Bataan. Karamihan sa mga heritage advocates ay hindi pabor sa ginagawa ni  Mr. Jerry Azucar na paglilipat ng mga ancestral house mula sa orihinal nitong lokasyon patungo sa 400 hektaryang lupain nito.

Gayumpaman, hindi maikakaila na ang Las Casas ay isang yamang matatagpuan sa Bagac, Bataan.

Pasyalan na ang Las Casas de Filipinas de Azucar.

PAANO MAKAPUNTA:

  1. Sumakay ng Genesis Bus na biyaheng Balanga, Bataan.
  2. Bumaba sa mismong bus station.
  3. Sumakay ng jeep na biyaheng Bagac o Morong, Bataan.
  4. Bumaba sa Filipino-Japanese Friendship Tower.
  5. Magpahatid sa tricycle sa Gate 5 entrance ng Las Casas.

OLYMPUS DIGITAL CAMERA
OLYMPUS DIGITAL CAMERA
OLYMPUS DIGITAL CAMERA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here