PASYALAN ANG CASA VILLAVICENCIO “THE WEDDING GIFT HOUSE”

0
328

Mula sa Casa Don Jose Bautista sa Malolos, Bulacan na kilala bilang “Caryatid House”, puntahan naman natin ang tinatawag na “The Wedding Gift House” sa Taal, Batangas.

        Para sa kompletong article tungkol sa Casa Don Jose Bautista, i-click lamang ang link: https://philippineone.com/pasyalan-ang-casa-don-jose-bautista/

Ang Wedding Gift House 

        Bahagi ang Casa Villavicencio ng Taal Heritage Town sa Taal, Batangas. Sa  labas, ang bahay na ito ay isang tipikal na bahay-na-bato-at-kahoy. Ngunit sa loob, kapansin-pansin ang pagiging feminine nito; bagay sa taguri niyang “The Wedding Gift House”.

Ang bahay ay pag-aari ng mag-asawang Don Eulalio Villlavicencio at Doña Gliceria Marella de Villavicencio.

Tinawag ang Casa Villavicencio na “The Wedding Gift House” dahil ito ay nagsilbing regalo ni Don Eulalio sa kaniyang esposa na si Gliceria.   

Ang Kahalagahan ng Casa Villavicencio sa Kasaysayan

Itinuturing ang mga Villavicencio na isa sa pinakamayayamang familia sa Pilipinas nang panahon ng mga Espanyol. Nagmamay-ari sila ng 18 storehouses na naglalaman ng tobacco, bigas, at asukal na ani sa kanilang malalawak na hacienda. Pagmamay-ari rin ng familia ang steamship Bulusan na naghahatid ng mga produktong ani mula Maynila pa-Mexico.

Malaki ang naging ambag ni Doña Gliceria sa kasaysayan ng Pilipinas. Tinawag siyang “General Sponsor of the Philippine Revolution” dahil sa pagbibigay tulong pinansiyal niya sa Katipunan. Malaki rin ang naiambag ni Don Eulalio upang mailathala ang mga nobela ni Dr. Jose Rizal at ang by-laws ng La Liga Filipina.  

Ang Arkitektura ng Casa Villavicencio       

Ang Casa Villavicencio ay dalawang palapag na bahay na pawang yari sa mulawin at narra.  Katulad ng isang tipikal na bahay-na-bato-at-kahoy, ang zaguan o unang palapag ay nakalaan bilang imbakan ng mga produkto, carjuahe, at carosa na ginagamit sa prosisyon ng mga santo. Sa zaguan din tinatanggap ang mga ordinaryong bisita at mga kasama o manggagawa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here