PASYALAN ANG BARASOAIN CHURCH

1335

Isa ang Simbahan ng Barasoain sa ipinagmamalaki ng Malolos City. Saksi ang antigong simbahang ito sa mayamang kasaysayan hindi lamang ng siyudad, kundi ng buong bansa.

Ang Kasaysayan ng Parokya

       Sa mahabang panahong nagdaan, nananatiling nakatindig ang lumang simbahan ng Barasoin na siyang piping saksi sa mga kaganapan na bahagi ng kasaysayan.

        Ayon sa mga lokal na residente, ang katawagang “Barasoain” ay nangangahulugang “Baras ng Suwail” o “dungeon of the defiant” sa Ingles. Malinaw ang mensahe na ang Barasoain ay bayan ng mga makabansang Filipino na lumaban sa mga mananakop.

        Ngunit ayon kay Jose P. W. Tantoco na dating presidente ng Bulacan Historical, Inc., ang pangalang “Barasoain” ay nagmula sa mga misyonerong napadako sa lugar. Isinunod nila ang pangalan ng bayan sa isang lugar sa Spain. Katunayan, may isang bayan sa District of Navarra, Spain na ang pangalan ay Barasoain.

        Ang kasaysayan ng Barasoain Church ay nagsimula nang ang mga bayan ng Barasoain at Santa Isabel ay humiwalay sa poblacion Malolos noong 1859. Itinayo ang iglesia bilang sentro ng paniniwala ng bagong tatag na bayan.

        Muling napaloob ang Barasoain at Santa Isabel sa Malolos sa panahon ng mga Amerikano (1903). Gayunpaman, nananatiling hiwalay ang mga parokya ng Our Lady of Mount Carmel at Santa Isabel sa parkoya ng Malolos.

Ang Simbahan sa Makabagong Panahon

        Nananatili bilang isang symbolic at historical landmark ng Malolos City ang antigong simbahan ng Barasoain. Sa paligid ng simbahan ay nagsuluputan ang ilang mga makabagong establishment. Gayumpaman, napanatili ng Barasoain Church ang kaniyang natatanging ganda.

More Relationships

More Heritage

More Filipino Teens

More I AM FILIPINO

More TIPS

More K-Pop

More Beauty and Health

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here