Pasko Ng Mga Pinoy, Sinira Ng Bagyong Ursula

Ilang buwan ding pinaghandaan at pinanabikan ng mga Pinoy ang pasko. Pagpasok pa lamang ng ber months ay kanya-kanya na ng pagpe-prepare kung paano ipagdiriwang ang napakahalagang okasyon na ito, ang araw ng pagsilang ng ating tagapagligtas na si Hesukristo. Pero heto nga at sa mismong araw ng pasko ay umepal ang bagyong Ursula na patuloy nananalanta ngayon. Si Ursula ang ika-dalawampu’t isang bagyo na pumasok sa Pilipinas ngayong taon. Ang unang tatlong beses ng paglandfalls nito ay sa Eastern Visayas noong bisperas ng pasko at ang sunod na tatlong beses ay sa Western Visayas naman sa mismong araw ng pasko habang ang pampitong paglandfall ay sa Oriental Mindoro. Ayon sa PAG-ASA, si Ursula ay kumikilos sa bilis na 140 kilometers per hour near the center at 195 kph gusts. Ito ay huling namataan na kumikilos patungong west northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.

Dahil dito ay maraming nagpasko na malungkot.Lalo na ang mga nasa mas apektadong area. Marami rin sa mga pasahero ang na-stranded tulad sa Bredco Port in Bacolod City noong martes.Ganoon din sa Batangas port area. Kaya naman no choice sila kundi palipasin ang pasko sa kung saan man sila inabutan ng bagyo. Ang iba ay sa sasakyan na nagnoche buena habang ang iba ay sa mga eskwelahan na pansamantalang ginawang silungan ng mga na-stranded. Sa kasalukuan ay patuloy pa rin ang pananalanta ng bagyong Ursula sa iba’t-ibang panig ng bansa kaya naman ang pasko ng mga pinoy ay hindi naging kasing saya tulad nung nagdaang taon na maganda ang panahon. Sa ngayon ay mapapailing ka na lang sa mga larawang makikita mo sa internet na dulot ng bagyo. Mga sirang bahay, buildings at malawakang pagbaha. Marami ring kawad ng kuryente at mga poste ang nasira. Nakakapanlumo talaga. Sa kasalukuyan ay nasa signal number 3 pa ang Southern Oriental Mindoro, Southern Occidental Mindoro, Caluya at Calamian Islands. Ipagdasal po natin ang mga naapektuhan ng bagyong Ursula at nawa ay matapos na ang pananalanta nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here