Paruparo Sa Iyong Panaginip

1
237

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Ang paruparo ay kalimitang naiuugnay natin sa yumao na mahal natin sa buhay. Isang kaluluwa na may hatid na mensahe. At dahil hindi madali subalit maganda at nagbibigay ng inspirasyon ang prosesong pinagdaraanan ng isang paruparo bago siya magkaroon ng pakpak at makalipad, ang pagtingin natin sa paruparo ay espesyal. Kaya naman kapag ito ay dumalaw sa ating panaginip naipapalagay natin na maganda rin ang mensaheng hatid nito. Pero ano nga ba ang tunay na kahulugan ng paruparo sa ating panaginip? Narito ang ilan sa tamang pahiwatig nito.

Kapag nakakita ka ng paruparo sa panaginip na hindi pa nagiging isang ganap na paruparo, bagamat inspirasyon ang kahulugan nito sa atin, sa panaginip ito ay nangangahulugan ng kamatayan. Ito ay sumisimbolo ng isang kaluluwa na handa nang magtransform mula sa dating buhay patungo sa kabilang buhay kung saan matatagpuan ang kalayaan, kapanatagan at kapayapaan.

Kung ang paruparo ay hindi umaalis sa iyong tabi at nanatili sa kanyang mababang paglipad, ito ay nangangahulugan na meron kang kinatatakutan na mawala sa’yo. Maaaring isang tao o bagay. Isa lang ang sigurado, ito ay mahalaga sa’yo at hindi mo makakaya na ito ay mawala. O mahihirapan kang tanggapin kung ito ay mawawala sa’yo.

Kung ang nakita mo sa panaginip ay dalawang paruparo na magkatabing lumilipad, ito naman ay may kinalaman sa iyong lovelife. Maganda ang nais ipahiwatig nito. Isang masayang pagsasama na malaki ang posibilidad na humantong sa isang matagalan at matibay na commitment.

Kung isangkaterbang paruparo naman ang nakita mo sa iyong panaginip, nangangahulugan ito ng isang malaking tagumpay. Maaaring ikaw ay tumama sa isang lottery, magwagi ng house and lot, makapulot ng malaking halaga ng pera o promosyon para sa mataas na posisyon.

Kung ang paruparo naman ay wala ng buhay sa iyong panaginip, ito ay nagpapahiwatig na malabo mo pang maabot ang iyong pinapangarap. Maaaring napalampas mo na ang oportunidad o wala pang pagkakataon na darating para sa’yo.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here