Park Hae Jin, Bibisita Sa Bansa Itong Taon

Si Park Hae Jin na isang actor sa Korean at gumanap sa mga kilalang palabas tulad ng My Love From the Star at Doctor Strange ay napabalitang bibisita sa bansa sa ika 23rd ng Nobyembre para sa isang fan meeting event na gaganapin sa New Frontier Theater sa Manila.

Available na nag mga tickets at maari ng bumili sa ticketnet outlets o sa online website nila na www.ticketnet.com.ph.

Ang sino mang bibili ng ticket ay entitled sa isang hi-touch with Park Hae Jin at magkakaroon ng isang poster ng actor samantalang ang sino man na bibili ng VVIP ticket at VIP ticket na nagkakahalagang 9,500 php at 8,800 php respectively ay magkakaroon ng chance makasama sa isang group photo opportunity.

Hindi pa natatapos ang surpresa dahil ang sino mang bumili ng Patron B ticket na nagkakahalagang 5,850 php maging ang mga may hawak ng VVIP ticket ay makakauwi ng poster na pinirmahan mismo ni Park Hae Jin samantalang ang mga bumili ng Patron A tickets na nagkakahalagang 7,200 php ay makakauwi ng signed photo card ng actor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here