PARAAN UPANG MA-DETOXIFY ANG KATAWAN AT ISIPAN

0
220

Rey de Leon

Author/Psychic/Photographer/Blogger

Ang tensiyon, stress, at mga alalahanin ay ilan lamang sa nagpapahina ng ating kaisipan at katawan. Sa maghapong pagta-trabaho, mahalaga na mai-detoxify natin ang ating katawan at kaisipan upang manatili tayong energetic.

         Narito ang ilang simpleng paraan na dapat gawin upang ma-detoxify ang katawan at isipan mula sa negative energy.

  1. Say no to gadget. Isa ito sa pinaka-basic step upang ma-detoxify ang katawan. Maglaan ng wastong oras sa paggamit ng electronic gadget; at maglaan rin ng oras para ipahinga ang sarili sa paggamit nito.
  • Ugaliin ang pagmi-meditate. Sa mga panahong time-out ka sa paggamit ng gadget, magandang ilaan mo ito sa pananahimik at pagninilay. Nakaupo, nakahiga, o anumang posisyon ka komportable, manahimik at alisin ang lahat ng alalahaning pumapasok sa iyong utak. Inhale. Exhale. Pakalmahin ang iyong mga nerves.
  • Eat healthy. Kumain ng masusustansiyang pagkain at unimom ng 10 hanggang 12 baso ng tubig araw-araw. Ang pagkakaroon ng healthy eating habits ay makatutulong upang i-detoxify ang ating katawan sa mga toxin. Mag-research tungkol sa mga uri ng pagkain na dapat kainin for detoxification.  Iwasan muna ang soda at junk food.
  • Magsulat. Isulat mo lahat ng iyong dinaramdam at mga bagay na hindi mo masabi sa isang papel. Masama ang pagkikimkim ng saloobin dahil nagdudulot ito ng stress at tensiyon. Kailangan mo itong pakawalan. Isulat mo lahat iyan at saka mo itapon o kaya ay sunugin.
  • Maging aktibo. Maglaan ng tamang oras sa pag-eehersisyo. Igalaw-galaw ang katawan. Masama sa kalusugan ang laging nakaupo o nakahiga. Ang pag-eehersisyo ay makatutulong upang mapaganda ang mood.
SHARE
Previous articlePamahiin; LARAWAN
Next articleVitamin D Laban Sa Kanser
Author/Psychic/Photographer/Blogger

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here