Paraan para matupad ang pangarap ng anak

Una, pagsuutin mo ng lumang damit ang baby. Sa pamamagitan nito ay magagawa niyang makuntento sa kung ano ang mayroon. Hindi niya kailangang maging mapaghanap. Kaya, siguradong siya ay magkakaroon ng magandang buhay. Kapag kontento ka kasi sa kung anong mayroon, hindi siya magiging gastador.

Pangalawa, ibinaon ang inunan sa ilalim ng lupa na may kasamang lapis at papel. Magiging matalino raw ang anak kapag ginawa ito ng magulang.

Pangatlo, gupitan lang ang buhok ng bata kapag nag-isang taon na ito. Kung gugupitan daw kasi agad ng buhok ang bata ay magiging matigas ang ulo nito. Alam na alam naman natin na kapag ang tao ay hindi marunong sumunod sa magulang, paano pa niya susundin ang ang sinasabi at ginagawa ng ibang tao? Kaya, kung titingin ka sa paligid o sa mga social media, ang daming nagba-viral na mga pasaway. Maging ang batas ay hindi nagagawang sundin. Pang-apat, huwag mong hayaang dumaan sa bintana ang iyong anak. Kahit pa sabihin mong naglalaro lang siya, hindi pa rin magandang tingnan lalo na’t may pintuan kang pupuwedeng daanan. Kaya, kapag nakaugalian ito ng iyong anak ay maaari siyang maging magnanakaw o kaya naman ay makipagtanan na lang siya. Hindi mo naman siguro gusto mangyari, di ba?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here