Paraan para Mapaibig mo ang Lalaking Virgo

Ang taong Virgo ay gustong nasa ayos ang lahat, kaya, kung makalat ka, huwag mo na asahan na magkakainteres sa’yo ang lalaking Virgo dahil kailanman ay hindi mangyayari iyon. Kung ibig mo naman talagang makuha ang kanyang atensyon, simple lamang ang solusyon, maglinis ka.

Kaya mo ba?

Ang pinakamabisang paraan kasi para mapansin ka ng taong Virgo ay iyong   malinis ka, hindi lang sa’yong hitsura pati na rin sa’yong kapaligiran kaya naman kung sasabihin niya sa’yo na pupunta siya sa inyong tahanan, kailangan mo itong paghandaan. Kailangan ay maging maganda ka sa kanyang paningin at siyempre kailangan ay makita niyang makinis na malinis ang iyong kapaligiran.

Huwag na huwag kang magpakita ng anumang ikati-tun off niya sa’yo dahil siguradong ‘yan na rin ang huli niyang pagpunta. Kaya, itanong mo sa’yong sarili kung talaga nga bang handa kang magmahal ng isang Virgo. Dahil kasi masyado siyang abala sa kanyang trabaho, nais niyang pag-uwi niya ng bahay ay magiging komportable naman siya. Siyempre, mangyayari lang iyon kapag malinis na malinis ang kanyang daratnan.

Kung sa tingin mo ay isang parusa ang maglinis ng bahay, ngayon pa lang ay sumuko ka na. Gayunman,kapag hindi ‘nagsakripisyo’ ay hindi mo makakamtan ang magandang buhay na maibibigay sa’yo ng taong Virgo. Sayang naman. Kaya, bago ka magdesisyon, tanungin mo ng paulit-ulit ang iyong sarili, magiging tamad ka ba at mamalasin sa buhay o magpapakasipag at susuwertehin sa piling ng Taong Virgo?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here