Paraan para malaman kung niloloko ka ni Labs

Broken Heart with Band Aid

Latest posts by Maria Angela Gonzales (see all)

Kapag nagmamahal tayo, nagiging bulag tayo sa kanyang mga pagkakamali. May pagkakataon nga na nagiging bingi tayo kapag may sinasabi tungkol sa mahal natin. Mas pinipili nating huwag maniwala dahil nga bukod sa pagmamahal, nagtitiwala tayo sa taong pinili nating mahalin.

Pero, nakasisiguro ka nga bang tapat sa’yo ang taong mahal na mahal at pinagkakatiwalaan mo. Ikaw na ang bahalang magdesisyon basta ito ang Paraan para malaman kung niloloko ka ni Labs.

Una, hindi makatingin sa’yong mga mata kapag tinatanong mo siya. Sabi nga, eyes are the window of your soul. Kaya, kung hindi siya makatingin sa’yo ng diretso, tiyak na mayroon siyang itinatago sa’yo o kaya naman ay nagsisinungaling siya.

Pangalawa, magpakuwento ka sa kanya. Kung mayroon siya halimbawang idinahilan sa’yo kaya hindi siya nagpakita sa’yo o na-cancel niya ang lakad ninyo dahil sa kung anong idinahilan niya. Tanungin mo siya kung anong nangyari. Kung nagkakandabulol siya o kaya naman ay nagalit siya dahil sa tanong mo, talaga ngang mayroon siyang itinatago sa’yo.

Pangatlo, damang-dama mo ang kanyang panlalamig. May mga pagkakataon kasi na nagiging manhid ka lang at binabalewala mo ang mga ikinikilos siya sa’yo. Iyon bang parang okay lang sa kanya na kahit wala ka. Kung talaga kasing minamahal ka niya, hindi niya gugustuhing mawala ka kahit saglit. Lahat ng pagkakataon na magkakasama kayo ay susunggaban niya.

Kaya, kung talagang niloloko ka ng Labs mo, panahon na para ikaw ay matauhan. Kung mahal mo ang taong nanloloko sa’yo, mas mahalin mo ang iyong sarili.

1 COMMENT

  1. Dear maestro
    Ano po ba ibig sabihin na nakita k sa aking panaginip na nag pirmahan na ng hiwalayan ang ex k at ng asawa nya tapos naglalakad kami sa putik ng asawa ng ex k na babae tapos kinausap ako ng babae mahalin k daw ang asawa nya un ang ex ko kz ako parin daw ang mahal ng ex ko sabi ng asawa nya babae
    Ano po ba ibig sabihin nito
    Pakisagot po maraming salamat po…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here