Paraan para makuha mo ang lalaking Aries (March 21 – April 19)

Hindi lahat ng lalaki ay madadaan sa charm ng isang maganda at seksing babae dahil ang mga lalaking ipinanganak sa ilalim ng zodiac sign na Aries ay hindi basta tumitingin sa ganda. Sa katunayan nga ay kinaiiritahan pa niya ang mga babaeng halos ipangalandakan ang katawan at pag-ibig. Mas gusto nila na sila ang humahabol sa babae.

Kaya, kung talagang nais mong isang lalaking Aries, huwag na huwag kang magpapakita sa kanya ng motibo na gusto mo siya. Sa halip ay  magpakipot ka sa kanya. Kapag ganoon ang ginawa mo, sinisiguro ko sa’yo na makukuha mo ang kanyang atensyon.  Ang gusto kasi niya ay siya iyong naghahabol.

At kung ikaw ay kanyang magugustuhan, siguradong bubusugin ka niya ng pagmamahal, hindi siya titigil hanggang hindi niya nakukuha ang iyong pag-ibig. Huwag kang mag-alala dahil siya naman ang tipo ng tao na nang-iiwan kapag nakamit na niya ang iyong pag-ibig. Sa halip ay ipapadama niya na talagang seryoso siya sa nararamdaman niya sa’yo. Huwag ka na ring magugulat kung isang araw ay yayayain ka na niya ng kasal.

Kaya, kapag nakatagpo ka ng ganitong lalaki ay huwag na huwag mo na pawawalan pa. Hayaan mo iyang mahalin ka niya ng todo at suklian mo rin siya ng pagmamahal, respeto at buong katapatan. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon din kayo ng happy ending at ang pagmamahalan na iyon ay hindi mapuputol hanggang sa inyong kamatayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here