Paraan para Makasigurong Hahaba ang Buhay

Kung nais mong humaba ang iyong buhay ay huwag kang kakain ng maalat dahil magkakaroon ka ng sakit sa bato, huwag kang kakain ng matatamis dahil magkaka-diabetes ka, huwag kang iinom ng alak dahil magdurusa ang atay mo, huwag kang maninigarilyo dahil magkakasakit ka sa baga at kung anu-ano ang dahilan na nakakairita sa pandinig ng marami dahil bawal nating gawin ang mga bagay na gusto at makapagpapasaya sa atin.

Kung minsan din ay inaawat tayo ng mga magulang natin na gumala nang gumala dahil nangangamba sila na baka tayo ay maaksidente, pagkatuwaan, mamatay o patayin. Alam naman natin na nag-aalala lang sila para sa ating kaligtasan pero sapat na nga ba ang dahilan na ito makaramdam tayo ng takot gayung lahat naman tayo ay kamatayan ang kahahantungan?

Nakakatakot naman talaga ang mawala sa mundong ito lalo na kung hindi mo pa nagagawa ang lahat ng gusto mo kaso lang hindi dahilan iyon para  kontrolin natin ang makapagpapasaya sa atin. Kahit nga nasa loob ka ng silid mo ay maaari kang mamatay kung talagang oras mo na. Ang kailangan lang nating ay magkaroon tayo ng gabay para hindi mawala ang hininga natin habang may pangarap pa tayong inaabot.

Ito raw ay mangyayari kapag kaarawan mo at naghandaka ng spaghetti o pancit.  Dahil daw kasi mahaba ang noodles ay kumakatawan din ito sa buhay natin kaya kung kakain daw tayo ng alinman sa dalawang ito kaag sumapit ang ating kaarawan ay sigurado raw na hahaba ang ating buhay.

O, anong inihahanda mo sa’yong kaarawan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here