Paraan Para Makaiwas Sa Hindi Magandang Dulot Ng Ash Fall

Dahil sa nangyaring pagputok ng bulkang Taal, pinangangambahan ng marami ang hindi magandang dulot ng ash fall sa kanilang mga kabahayan, kabuhayan at lalong lalo na sa kalusugan. Narito ang ilang paraan upang makaiwas sa hindi magandang epekto nito.

1.Hangga’t maaari ay piliing manatili sa loob ng bahay kung wala namang importanteng pupuntahan sa labas.

2.Panatilihin din na nakasara ang mga pintuan at bintana na maaaring daanan ng ng ashfall patungo sa loob ng kabahayan.

3.Gumamit ng mga patapon ng tela o telang hindi na ginagamit gaya ng lumang kurtina o kumot bilang panala sa mga abo na papasok sa iyong bahay. Ilagay ito sa mga posibleng daanan ng abo.

4.Gumamit ng face mask upang maiwasan ang paglanghap sa usok at abo na mula sa bulkan.

5.Magsuot ng goggles or eyeglasses para maprotektahan naman ang iyong mga mata.

6. Ang mga alagang hayop ay kailangan din ng proteksyon. Panatilihin sila sa loob ng tahanan kung saan sila ay ligtas sa ash fall.

7.Sa oras na humupa na ang pag-ulan ng abo, kailangan mong linisin agad ang mga bahagi ng bahay na napuno ng abo gaya ng bubungan, garahe  at iba pa. Gagawin mo ito na meron ka ring proteksyon sa sarili.

8. Makibalita sa mga kaganapan sa labas upang maging aware para sa kaligtasan mo at ng buong pamilya.

Ang lahat ng ito ay makakatulong sa’yo sa gitna ng panganib na dulot ng pagsabog ng bulkan.Gayunpaman, kung kinakailangan na lisanin nyo na ang iyong kabahayan lalo na at kayo ay malapit sa bulkan, dapat kang sumunod at ang buong pamilya. Hindi kailangang pairalin sa mga ganitong sitwasyon ang katigasan ng ulo at pagmamayabang. Dahil kung hindi ka susunod ay malaki ang posibilidad na kayo ay malagay sa isang tiyak na kapahamakan. Dapat na palaging maging alerto at nakikiisa para na rin sa inyong ikabubuti, hindi lang sa kabutihan ng kalusugan kundi sa mismong buhay na iyong tangan.

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; January 14
Next articleTITANIC, NAGPAPADALA NG SOS SIGNAL KADA 6 NA TAON

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here