Paraan para maging happy ang Pasko

71

Ano nga ba ang makapagpapasaya sa atin ngayong Pasko? Ito ang katanungan na parang napakahirap sagutin. Ngunit, kung bubuksan o pakikinggan lang natin ang ating puso, parang napakasimple lang naman ang gusto natin kaya nga lang kung minsan parang napakahirap aminin. Kaya, nais kong ibahagi sa inyo ang Paraan para maging happy ang Pasko.

Una, makasama mo ang iyong pamilya. Hindi kailangang magkaroon ka ng bonggang handa para maging masaya. Kung minsan ay sapat na iyong magkakasama kayo sa hapag habang nagkukuwentuhan. Ang importante lang naman ay makasama mo ang iyong Pamilya sa darating na Pasko.

Pangalawa, mamigay ng regalo. Ito naman ay kung may kakayahan ka lang na mamigay ng regalo o kung talagang can afford ka. Pirmi mo ring tatandaan na mas maigi na iyong ikaw ang namimigay kaysa ikaw ang binibigyan. Saka, kung susuriin mo ay napakasarap sa pakiramdam iyong may napapasaya ka.

Pangatlo, matuto kang makontento. Hindi mo kailangang hanapin ang wala sa buhay mo. Mas maigi iyong magiging masaya kung ano o sino ang naririyan dahil tiyak namang kapag nawala ang mga nasa paligid mo ngayon ay makakaramdam ka rin ng kalungkutan. Kung ganoon, habang naririyan ang mga nasa paligid mo, maging masaya ka na lang.

Kaya, sa darating na Pasko, huwag kang mag-focus sa mga matatanggap mo kundi sa mga maibibigay mo. Hindi mo rin kailangang hanapin kung sino ang wala sa’yong buhay. Ang importante kung sino ang kasama mo ngayon.

O, kaya mo bang maging happy?

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here