Paraan Para Lumakas ang Loob

Hindi naman maaaring palagi na lang malakas ang loob natin. Talagang may pagkakataon na nakakaramdam tayo ng kahinaan lalo na kung nakatakda tayong humarap sa maraming tao. Ilang ulit ko ‘yang naramdaman ng sumampa ako sa stage para mag-perform. Noon kasing nasa kolehiyo ako ay umaarte ako dahil kasama ako sa stage play. Nakakakaba kaya lang kailangan nating labanan ang negatibong emosyon para mas gumanda ang ating buhay.

Ikaw ba, paano mong nagagawang labanan ang kaba? Sana naman ay hindi ikaw ang tipo na tumatakbo kapag nakakaramdam ng takot. Walang mangyayari sa buhay mo kapag ganoon ang iyong ginawa. Sa mundong ito ay kailangang palagi mong palakasin ang iyong loob dahil ikaw lang ang makakagawa niyan. Ang mga taong nasa paligid mo ay hindi laging nandiyan para sumoporta, karamihan sa kanila ay nagnanais pang ibagsak ka.

Kung makikita mong may magtatawa sa’yo dahil nakikita nilang hindi tama ang iyong ginagawa, mas panghihinaan ka ng loob. Kaya, huwag mong hayaang magtagumpay ka. Kailangan ay lumaban ka para maipahayag mo ang nararamdaman at iniisip mo at hindi mangyayari iyon kung kakabahan ka.

Ang isang paraan para mawala ang kaba mo ay maglagay ka ng barya sa’yong sapatos . ang barya kasi ay nangangahulugan ng suwerte kaya lakas ng gusto mong sabihin ay matatandaan mo. Bukod doon ay magkakaroon ka ng lakas ng loob dahil ang papasok sa isipan mo ay ang mga pangarap mong hindi mo dapat bitawan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here