Paraan para Hindi Mag-away ang Magkakapamilya

Natural lang naman sa magkakapatid, mag-asawa o magkakapamilya ang magkaroon ng tampuhan pero hindi sila dapat mag-away. Tulad nga ng nasabi ko na, ang galit ay makapangyarihan emosyon na di natin dapat maramdaman sa isang tao lalo na sa ating kapamilya. Kung mananatili kasi sa ating puso ang negatibong emosyon, ang tanging gugustuhin natin sa kanya ay makapaghiganti.

May mga pagkakataon na sa sobrang selos natin sa ating kapatid, wala tayong ibang gustong mangyari kundi ang masira siya sa ating magulang. Ganoon ka ba? Hindi ka ba nakokonsensiya kapag ginagawa mo iyon? Alalahanin mo kahit pagbali-baligtarin mo man ang mundo ay hindi magbabago ang katotohanan na magkadugo kayo. Dapat nga kahit ano ang mangyari ay kayo ang magdadamayan.

Sa pamilya ay kailangan palaging puno ng pagmamahalan at pag-uunawaan para mas suwertehin ang inyong buhay. Kaya ang anumang posibilidad na maaaring magdulot ng awayan sa pamilya ay huwag gagawin.Ang inggit ay kalimutan. Kapag nagalit ay magpatawad dahil lahat naman tayo ay nagkakamali.

Kaya para raw huwag mag-away ang magkakapamilya, huwag na huwag kang maglalagay ng sapatos sa mesa. Kahit na sabihin mong bago naman ang sapatos mo at hindi pa nagagamit ay mali pa ring maglagay ka ng sapatos sa mesa lalo na kung doon kayo kumakaing magkakapamilya. Dahil kung iisipin mo ay parang tinatapakan mo rin ang bawat miyembro ng inyong pamilya.

O, gawain mo bang maglagay ng sapatos sa mesa?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here