PARA SA MASAYANG BUHAY: ANG MGA ZODIAC SIGN NA HINDI MAAARING PAGSAMAHIN

0
1199

1. TAURUS-AQUARIUS: Salungat sa halos lahat ng bagay ang dalawang zodiac sign na ito, dahilan upang magkaroon ng 0.01% chance na magkakasundo silang dalawa. Kahit kailit-liitang bagay ay hindi nila pagkakasunduan. Sila ay perfect enemy at hindi bilang lover.

2. GEMINI-VIRGO: Magkaiba ang mindset ng dalawang signos na ito. Ang ayaw ng isa ay gusto ng isa. Ang masama sa isa ay maganda para sa isa. Ito ang dahilan kaya hindi kailanman magkakaroon ng harmonious relationship ang dalawang sign na ito.

3. ARIES-SCORPIO: Kapag nagsama ang dalawang ito, sila ay magsasalpukan sa halip na magmahalan. Sila ay may kani-kanilang ideolohiya. Sa halip na magka-bonding, tila magkakaroon ng mini-debate ang kanilang dinner date.

4. TAURUS-ARIES: Bossy ang Arien, may sarili namang diskarte si Taurean. Ipipilit ni Arien ang kaniya, pero maninindigan si Taurean sa gusto niya. In short, walang pagbibigayan at pag-uunawaan. Makabubuti pa na maghiwalay na lamang kaysa magsama dahil tiyak ang palagiang bangayan at awayan.

5. LEO-CAPRICORN: Charming si Leo, extrovert naman si Capricorn. Hindi masasakyan ni Capricorn ang pagiging happy-go-lucky ni Leo kaya tiyak ang selosan at awayan sa kanilang pagsasama.

6. LIBRA-PISCES: Ang relasyong ito ay made in hell. Hindi kailanman magkakasundo ang dalawang ito dahil para kay Libran, ang ugali ni Piscean na pagiging tahimik ay nakakairita. Lagi lamang masisira ang mood ng bawat isa.

7. CANCER-SAGITTARIUS: Ang Cancer ay clingy-type. Ito ang hindi maunawaan ng Sagittarian. Lagi na lamang makararamdam ng pagkukulang ang Cancer sa kaniyang Sagittarian partner. Hindi kailanman magkakaroon ng contentment ang bawat isa sa relasyong ito.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne Youtube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here