Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Bill, Aprubado Na

0
130

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Noong Lunes, Pebrero 4, naaprubahan na ng Senado sa ika-3 at huling pagbabasa ng panukalang batas na magtatatag ng conditional cash transfer program ng gobyerno, ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Bumoto ng 18-0 ang mga senador at pinasa ang Senate Bill 2117, na inisponsor at pinapangasiwaan ng detained Senate committee on social justice, welfare, at rural development chairperson, Leila de Lima. Si Senador Antonio Trillanes IV, bilang vice chairman ng komite, ay nag-sponsor ng panukalang-batas sa floor.

Sinabi ni De Lima na ang “pagputol ng cycle ng kahirapan” at “pagbibigay sa mahihirap na kakayahan upang mapabuti ang kanilang buhay” ay nagbibigay-daan sa kanila na mag-ambag sa pag-unlad ng bansa. Sinabi naman ni Trillanes na ang panukala ay naglalayong tulungan ang mga mahihirap na pamilya na maging self-sufficient sa pamamagitan ng sustained income at livelihood opportunities.

Ayon kay Trillanes, “The 4Ps Act can be a transformative program that will improve the lives of not only the 4.4 million beneficiaries across the country it currently serves, but the remaining fraction of poor families we wish to be covered in the coming years.”

Ang programa ay nagbibigay ng conditional cash transfers sa mga mahihirap na kabahayan para sa loob ng di hihigit sa 7 taon upang mapabuti ang kanilang kalusugan, nutrisyon, at pag-access sa edukasyon.

Sa ilalim ng bill, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang magko-conduct at revalidate ng qualified beneficiaries gamit ang standard targeting system bawat tatlong taon.

Kabilang sa mga itinuturing na karapat-dapat para sa programa ay ang mga mula sa impormal na sektor, mga pamilyang walang tirahan, mga katutubo, at mga naninirahan sa mga nakabukod at disadvantaged na lugar. Ang lahat ng mga benepisyaryo ay dapat ding awtomatikong sakupin sa National Health Insurance Program. Ang qualified beneficiaries ay maaari ding mag-avail ng livelihood programs na ino-offer ng DSWD, Department of Labor and Employment, at iba pang government agencies o accredited private institutions.

Conditions

Sa ilalim ng panukalang batas, hinahangad ang mga sumusunod na kondisyon upang matiyak ang pagsunod sa programa:

1. Ang mga buntis ay dapat mag-avail ng mga pre-natal services, manganak sa isang health facility na dinadaluhan ng isang dalubhasang propesyonal sa kalusugan, at tumanggap ng pangangalaga sa kanila at sa kanilang mga bagong silang.

2. Ang mga batang mula 0 hanggang 5 taong gulang ay dapat makatanggap ng regular na mga serbisyo sa kalusugan at nutrisyon kabilang ang mga checkups at pagbabakuna

3. Ang mga bata na may edad na isa hanggang 14 na taong gulang ay dapat mag-avail ng mga deworming pills, at least twice a year.

4. Ang mga batang 3 hanggang 4 na taong gulang ay dapat umattend sa day care o preschool classes at least 85% of the time, habang ang 5 to 18 years old ay dapat umattend ng elementarya o secondary classes at least 85% of the time.

5. At least one responsible person must attend development sessions conducted by the DSWD at least once a month.

Ang pagkabigong sumunod sa mga kondisyon ay magdudulot ng agarang pagwawakas ng mga cash grant sa benepisyaryo. 00000000

SHARE
Previous articleMGA PALATANDAAN NA KAYO TALAGA ANG NAKATADHANA PARA SA ISA’T ISA
Next articleZodiac Signs Compatibility Matches; LEO &LEO
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here