Pangulong Duterte, Pabor Sa Same Sex Marriage

0
4727

Ang same-sex marriage o pagpapakasal sa taong kaparehas mo ng kasarian ay halos tanggap na sa buong mundo.

Ngunit, sa isang bansang diumano ay konserbatibo na gaya na lamang ng Pilipinas ay kinokondena ito ng marami, lalo pa ng Simbahan. At kahit pa sabihing nasa konstitusyon natin ang ‘separation of the State and the Church’ ay hindi maiwasan ng simbahan na makialam sa mga ganitong isyu. Ito ay dahil na rin sa katotohanang nakasanayan na nila ang pagiging vocal sa kanilang mga paniniwala at pangingialam sa gobyerno.

Kaya naman hindi na nakapagtataka na against si Pangulong Duterte sa same-sex marriage na inilahad niya noong Marso nitong taon.

“Tingnan mo yung Time magazine ngayon. Walang gender because you can be a he or she. Yun ang kultura nila. Eh, di kayo lang, hindi ‘yan pwede sa amin. Katoliko kami at there is the Civil Code, which says that you can only marry a woman for me.. for a woman to marry a man.” (philstar.com)

Ngunit, klinaro rin naman ng Pangulo na “he has nothing against gays”.

Ngunit, nitong December 18 lamang ay tila nag-iba ang ihip ng hangin dahil tila pro-same sex marriage na ang Pangulo base na rin sa kanyang statement:

“I want gay marriage. The problem is we have to change the law, but we can change the law. I am for (same-) sex marriage if that is the trend of the modern times. If that will add to your happiness, I am for it… who am I.. you know, whatever makes the person happy, I will give it. Why should I hold it back? Why impose a morality that is no longer working and almost passé. It’s leftover rice.” Ito ang saad ng Pangulo sa kanyang speech sa 7th LGBT Davao year-end gathering sa Azuela Cove sa Davao City.

Ang pagbabago ng stand ng Pangulo hinggil sa nasabing isyu ay nakapagpataas ng kilay ng iba ngunit para sa mga taga-suporta ng Pangulo ay isa itong napakagandang balita lalo na ang mga miyembro ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, tragender) community.

“It’s particularly brave for Duterte to throw his support behind giving legal recognition to same sex partnerships. He did that while his trust rating has taken a dip and while even among his supporters there are lots of homophobic and transphobic assholes. This is why I love this President: He has the balls to stand up for those who need to be lifted up from centuries of oppression, even though doing so is unpopular.” Ito ang pahayag ng isa sa pinaka-ardent supporter ni Pangulong Duterte na si Sass Rogando Sasot, isang transgender.

Kung pakaiisipin nga naman ay hindi na nakapagtataka kung maging suportado ng Pangulo ang same sex partnership dahil na rin Mayor pa lamang siya ng Davao ay napakarami na niyang ginawa para ipagdiwang at i-boost ang morale ng LGBT community.

Matatandaang matagal ng naipasas ang anti-discrimination ordinance ng Davao City para sa mga miyembro ng LGBT community na kahit pa sa panahon natin ngayon ay madalas pa ring makaranas ng pang-aalipusta mula sa mga taong makitid ang pag-iisip.

Dagdag pa ng Pangulo, “There will be no oppression and we will recognize your importance in society.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here