PANAWAGAN: May Matinding Transportation Problem sa Cavite

0
58

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Sa isang Facebook post ni Dennis Buckly noong December 3, 2018, makikita ang hinaing nang isang Kabitenyo sa kanilang kakulangan sa transportasyon ngayon papuntang Manila.

Sabi niya,

“An open letter to all Caviteños:

Hello. Ako si Dennis. 28 years old. Nakatira ako sa may Bahayang Pagasa, Molino, Bacoor, Cavite, at nagwwork sa may Two E-Com Center, Mall of Asia. 7AM ang pasok ko, pero gumigising ako ng quarter to 4, at umaalis ng quarter to 5. Quarter to 5, nagaabang na ako sa may tapat ng Shell Molino, sa labas mismo ng Barangay namin. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman natin na problema transportation dito sa Cavite. In short, wala nang masakyan. Wala. Literal. These past couple of days, nilalakad ko na mula Pagasa hanggang Daanghari-Molino intersection para lang maka-para ng van na wala pang laman. Para sa mga hindi taga Cavite, siguro ang layo nun is mula Mall of Asia hanggang Solaire. Pero hindi parin yun guarantee na may masasakyan ako, kasi nga ayaw bumyahe ng mga drivers, dahil huhulihin sila. Mapa-jeep, mapa-van, wala. It doesn’t matter how early you wake up anymore. So everyday, literal na ang pagpasok ko sa opisina ay by chance lang. Kung may masakyan, edi masaya. Kung wala, edi memo.

Pero hindi talaga tungkol sakin ‘tong post na ‘to. To be honest, physically active naman ako, so sanay ako sa mga mahahabang lakaran. Kasalukuyan akong nakapila ngayon dito sa tapat ng terminal ng Mall of Asia pauwi ng Cavite. Andito ako kanina pang 7PM. 9:07PM na ngayon. 2 hours na akong naghihintay. Pero like I said, this post isn’t about me kasi sanay naman akong maghintay (no hugot here). Sinusulat ko ‘to dahil meron akong katapat na isang working mom, siguro nasa mid 50s na siya. Tinanong ko siya kanina, “pila po ba ‘to ng Pagasa?” sabi niya “oo, 6PM pa kami nakapila dito.” So that makes her standing in the line for 3 hours now. Kitang kita ko na gutom na siya, at pagod na pagod na siya. Marami siyang bitbit at mukhang mabigat bag niya. Maya maya, sa kabilang pila naman (pa-Imus), may ale na napaupo kasi nahihilo na daw siya. She’s probably in her late 60s. Hindi ako sure kung saan siya galing, pero

marami siyang dalang papel sa loob ng plastic envelop na see-through. I overheard, inasikaso daw niya pension niya. Same, kanina pa daw siyang 6PM doon. 3 hours na siyang nakapila. Nagmasid masid pa ako, siguro nasa 50% (syempre hindi accurate ang computation na yan) din halos ng mga nakapila ay mga medyo may edad na. Kumikirot puso ko everytime nakikita ko yung mukha nilang pagod at ang katawan nilang pabagsak na, hindi dahil sa work, kung hindi dahil walang masakyan.

Usually pag nakakasakay ako ng van tuwing umaga eh bagsak agad ako. Tulog. Pero these past couple of weeks, nabbother talaga ako sa nangyayari. Imbis na matulog, tinatanaw ko ang mga tao sa labas, curious ako kung anong iniisip nila. Kung nagmumura na kaya sila sa isipan nila. Sa tuwing dumadaan ang van namin sa Molino Boulevard, marami akong nakikitang matatanda (early 50s din siguro) na nagaabang at nagbabakasakaling may van. Andami nila, at wala din silang masakyan. Sa sobrang dami nila, mukha silang sasali sa People’s Revolution. Gusto kong lumabas ng van at sabihing “nay, tay, uwi nalang kayo. I-explain niyo nalang sa boss niyo na walang masakyan.”

Ayokong mag-dunung dunungan by calling out government organizations and blame anyone for this kasi kahit ako, wala rin naman akong clear picture as to why Cavite’s transportation system suddenly has gone mad. Puro hearsay lang, pero wala namang official announcement kung bakit nagkakaganito. Ni hindi nga ‘to nababalita sa news (correct me if I’m wrong — baka di lang talaga ako nanunuod ng TV masyado). Pero one thing is for sure: hindi ito tama. Hindi luxury etong nawala. Basic need ito. Basic need ng mga nanay at tatay at ng mga bread winner na nagttrabaho. Osige, wag natin silang i-highlight, kasi baka isipin niyo ad misericordiam ‘tong post na ‘to. Basic need ito NG LAHAT. Something as simple as transportation is a need, and not a luxury. Siguro iba sa inyo iisipin na ang entitled ng post kong ‘to, na lahat naman ay nahihirapan bumyahe at nasstuck sa traffic. Well, being stuck in traffic is one thing, pero ang walang masakyan is another. And I don’t think anyone who doesn’t take the Cavite-to-Manila route everyday will ever understand this post.

Like I said, this post is beyond me. This isn’t about a healthy young man’s inconvenience. This is to all working parents enduring this everyday hassle who aren’t as energetic as me, and whose stamina isn’t as strong as people my age. Naaawa ako sa kanila I can’t even imagine how physically distressing it is for them to deal with this daily. Iniisip ko nga, buti hindi ‘to naabutan nung parents ko nung sila’y nagttrabaho pa sila. Buti nalang.

Kaya kapwa ko Caviteño, gusto ko lang sabihin sa’yo na may karamay ka sa sitwasyong ‘to. Sama sama tayong pumirma ng memo at NTE. At tuwing sa tingin natin eh hindi na natin kaya, isipin nalang natin ang mga matatanda. People who are twice our age. They don’t deserve this. But it doesn’t also mean that our sentiments should be dismissed. Kasi alam ko pakiramdam niyo, mga ka-edaran.

Update: It’s already 9:57PM at nakasakay na din ako ng van. 3 hours sa pila. Pero mas masaya ako dahil si nanay na nasa tapat ko ay makakauwi na, after 4 hours of waiting.

Bukas, panibagong pakikipagsapalaran na naman.

Kaya pa ba, kapwa Caviteño?

Sincerely Yours,

Dennis Buckly

Caviteño”

Isang panawagan ito sa ating transportation system dito sa Pilipinas at mas maganda kung masolusyonan na ito para sa mga nakakarami, lalo sa mga matatandang nagtatrabaho ng maayos para sa kanilang pamilya. Kasabay nito ay ang pag-aayos na rin dapat sa ating traffic system. Napapalala na ng private cars ang ating traffic dito sa Pilipinas. Mas pagtuunan dapat ng pansin ang public transportation na affordable at fair.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here