Panaginip tungkol sa isang tao

Tayong lahat ay nasubukang managinip tungkol sa isang tao, minsan ay nakikita mo sa iyong panaginip ang isang taong kilala mo at minsan ay hindi. Pwede din tayong managinip ng hindi maganda, at pakiramdam natin na tila para itong warning o di kaya’y simbolo ng is├áng mensahe. Minsan mahihirapan tayong sabihin kung ano ang kaibahan sa panaginip lang o panaginip na may iba pa talagang kahulugan. Ano naman kaya ang ibig sabihin kung mananaginip ka tungkol sa isang tao? May kaugnayan kaya ito sa iyong nararamdaman at emosyon? May kaugnayan kaya ito sa kanila? O isa itong mensahe mula sa universe kung dapat ka bang kumilos o hindi?

Ang mga klase ng iyong mga panaginip:

Kapag nanaginip ka tungkol sa isang tao, mayroon itong magkaibang dalang meaning. Ang isa ay hindi na kailangan ng diskusyon dahil isa lang itong panaginip. At it ay masasabi Mong kakaiba sa iba dahil naanginip ka tungkol sa isang tao pero wala kang nararamdaman kahit anong emosyon. Siguro may iba pang taong nagpapakita sa iyong panaginip subalit iyong nararamdaman mo para sa kanila ay hindi gaano kalakas. Ang panaginip na ito ay para ka lang nanunuod ng isang movie, minsan natanong mo pa ang sarili mo kung anong klaseng panaginip mayroon ka at anong klaseng relasyon mayroon ka sa taong napanaginipan mo.

Minsan naitanong mo din sa iyong sarili, nagkasama naba kayo iyong kayong dalawa lang?

May nararamdaman kaba sa taong iyon emotionally? Kapag nakita mo ulit ang taong ito, pareho pa din ba ang nararamdaman mo para sa kanya?

Kapag masagot mo ang Isa sa mga tanong na iyan, ibig sabihin ay may dala itong meaning na hindi maisantulad sa mga collection lang sa iyong isipan at mga experience mo.

Kapag napanaginipan mo ang isang tao at malakas ang nararamdaman mo para sa kanya, iyong tipong pagkagising mo ay mamimiss mo siya agad, at parang gustong-gusto mo siyang makita, kung kakilala mo siya, ibig sabihin ay may nararamdaman ka para sa kanya at kung magkaibigan lang kayo ay gusto mong mas higit pa kaysa kaibigan lang ang relasyon niyo. Kaya mo siya napanaginipan ay dahil lage mo siyang iniisip.

At kapag napanaginipan mo ang isang taong hindi mo kilala tapos malakas ang nararamdaman mo para sa kanya, katulad ng nararamdaman mo noong una, ibig sabihin noon ay may darating na taong magpapasalamat sa iyo. Maraming nangyaring ganitong panaginip subalit ang hinahanap nila ay iyong mukha mismo ng taong nasa panaginip nila, pero ang taong darating at iba ang mukha.

Kung may dumating na taong magpapasaya sa iyo, tapos hindi ang mukha noong nakita mo sa iyong panaginip, huwag mo itong pakawalan dahil ito na ang taong matagal mo ng hinihintay.

Basta tandaan mo lage, kung ano iyong nakikita mo sa panaginip mo ay kabaliktaran palage sa totoong buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here