Panaginip Na Stranded Sa Isang Isla

Dahil pumapasok na ang summer ay kung anu-ano na ang naglalaro sa ating isipan. Mga bagay, pagkain at lugar kaugnay ng summer.Kung ikaw ay isang adventurer na mahilig manaliksik ng mga tagong lugar, siguradong bet mo ang magpunta sa malalayong isla. Pero paano kung sa isla na napili mong dayuhin ay ma-stranded ka? Hindi mo siguro maiiwasan na mangamba lalo na kung ang dahilan ng iyong pagka-stranded ay isang kalamidad gaya ng bagyo, lindol o kaya ay tsunami?

Ang nakakatakot na senaryong ito ay maaari ring mangyari sa iyong panaginip. At meron kang dalawang maaaring maramdaman na siyang magbibigay kahulugan at interpretasyon sa iyong panaginip.

1.KATAPANGAN

Kung sa panaginip mo na stranded ka sa isang isla ay katapangan ang iyong naramdaman at ipinakita sa halip na karuwagan, ito ay nangangahulugan na may mga paparating na mahihirap na sitwasyon sa iyong buhay. Sa gitna ng mga sitwasyong ito ay magiging limitado lamang ang iyong galaw. Mahihirapan kang mag-isip ng solusyon dahil maraming sagabal sa paligid. Subalit sa kabila nito ay magiging maganda ang resulta ng maiisip mong solusyon dahil mananaig sa’yo ang kagustuhan mo na mapagtagumpayan at malapamsan ito. Ibig sabihin ay mananatili ang kumpiyansa mo sa sarili kaya ang mahirap na sitwasyon ay iyong malulusutan.

2.PANGHIHINA NG LOOB

Kung sa pagka-stranded mo naman sa isla ay nakadama ka ng panghihina ng loob, ang ibig sabihin nito ay may gagawin kang bagay na hindi ka sigurado. Pero wala kang magiging choice kundi gawin ito. Ang iyong pagbabasehan ay ang pinagsama-samang opinyon ng mga taong nakapaligid sa’yo. Hindi mo bibigyan ng pansin ang sarili mong opinyon kaya naman hindi magiging matibay ang paniniwala mo sa sarili mong gawa. Para sa’yo ay gusto mo lang na matapos na ito at bahala na kung ano ang magiging resulta. Kung ito man ay positibo o negatibo ay tatanggapin mo na lang.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here