Panaginip Na Sinusundan Ng Mga Alitaptap

Ang mga alitaptap ay napakagandang pagmasdan. Para silang mga mumunting insekto na nagbibigay liwanag sa gitna ng kadiliman. Ang sabi pa nga ng matatanda, maaari kang humiling sa isang alitaptap sa oras na ang isa ay mahuli mo sa iyong palad. Maari rin daw itong gawing pampasuwerte kung ito ay maikukulong mo sa isang garapon. Pero ano naman kaya ang mensaheng hatid nito sa’yo kung ito ay susundan ka sa iyong panaginip?

Kapag nakakita ka ng maraming alitaptap sa iyong panaginip, may hatid itong magandang mensahe. Subalit ang magandang mensaheng ito ay hindi mo agad mauunawaan dahil ang atensyon mo ay nakabaling sa ibang bagay na sa tingin mo ay mas mahalaga para sa’yo at siya mong binibigyan ng prayoridad. Sa iyong panaginip ay mapapansin mo na kahit saan ka magpunta ay tila nakasunod sa’yo ang mga alitaptap. Na para bang tinutulak ka nila sa isang bagay. Ang ibig sabihin nito ay meron kang natatangi subalit natatagong kakayahan na dapat mong ipakita sa lahat at pagyamanin. Dahil ito ang siyang maghahatid sa’yo sa nagliliwanag na tagumpay na tulad sa liwanag na mula sa mga alitaptap.

Kung sinusundan ka naman ng nag-iisang alitaptap, ito ay sumisimbolo sa isang tao. Ang tao na ito ang siyang magbibigay sa’yo ng inspirasyon para ikaw ay magpatuloy sa iyong buhay. Sa pamamagitan niya ay magpupursige kang lumaban. Siya ang gagabay sa’yo at magsisilbing tanglaw mo lalo na sa madilim na bahagi ng iyong buhay.Napanaginipan mo ito para ihatid sa’yo ang mensahe na hindi ka na mag-iisa. Sasamahan ka ng alitaptap na ito saan ka man dalhin ng iyong kapalaran. Siya rin ang tutulong sa’yo na matuklasan mo pa ang mga bagay na hindi mo pa alam. Maaari ka niyang bahaginan ng lahat ng kanyang nalalaman dahil gusto niya na makita kang umuunlad at nagtatagumpay. Ang biguin ka ay ang pinakahuling bagay na magagawa niya sa’yo. Ito ay nangangahulugan na masyado siyang magiging faithful sa’yo.

SHARE
Previous articleANG MISTERYO SA UMIIYAK NA GLACIER SA AUSTFONNA ICE CAP
Next articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 20, 2020

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here