Panaginip Na Nanalo Sa Lotto

Sino ba ang hindi nangangarap na manalo sa lotto? Maari ngang may tao na hindi pinangarap ito pero kung dumating na sa ganitong punto ay maaaring hindi rin niya matanggihan ang grasya kundi man para sa sarili ay para sa ibang tao na nais niyang tulungan. Bihira ang ganitong tao. Karamihan sa atin ay nangangarap na makaangat sa buhay at iyan ang dahilan kung bakit tayo nagsisikap sa ating trabaho. Ginagawa natin ang lahat para kumita ng pera. Kaya naman marami rin ang tumataya sa lotto. Nagbabakasakali na suwertehin sila sa kanilang pagtaya. Kung siguradong kasiyahan ang hatid nito kapag tinamaan mo sa totoong buhay, ano naman kaya ang hatid nito kung sa panaginip mo nasuwertehan?

Kung sa iyong panaginip ikaw ay nanalo sa lotto, ito ay may kaugnayan sa isang malaking oportunidad na darating sa iyong buhay. Subalit hindi lamang ito basta oportunidad na tatanggapin mo at pagkatapos ay giginhawa ka na at ang iyong pamilya. Malawak ang sakop nito sa maaaring maging kaganapan sa iyong buhay. Ang oportunidad na ito na darating ay pwedeng makapagpabago sa’yong kasalukuyang sitwasyon sa paraang makakabuti at makakasama. Ibig sabihin ito ay ma parehong epekto, may advantage at disadvantage. Ang sobrang kasiyahan na mararamdaman mo sa panaginip dahil ikaw ay nanalo sa lotto ay sumisimbolo sa mabuting epekto habang ang disappointment mo na panaginip lang pala ito ay sumisimbolo naman sa hindi mabuting epekto nito na magiging parte ng paparating na oportunidad.

Kaya kapag ito ay napanaginipan mo, at nangyari nga ang ipinahihiwatig nito, dapat mong pag-isipang mabuti kung ito ay tatanggapin o hindi dahil tulad ng mensaheng hatid ng iyong panaginip ito ay magkakaroon ng mabuti at hindi mabuting epekto sa’yo at sa pamilya mo. Kailangan na malaman mo muna ang bawat detalye at subukang gawan ng paraan na ang advantage lang ang makuha mo mula rito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here