Panaginip Na Nakikipagtalik Sa Parehong Kasarian

Kung ikaw ay isang babae, nanaginip ka na ba na ikaw ay nakikipagtalik sa kapwa mo babae? O kung ikaw naman ay lalaki, napanaginipan mo na rin ba ang pakikipagtalik sa kapwa lalaki? Kung isa kang straight na babae o straight na lalaki, at nanaginip ka ng ganito, sasabihin mo na ang weird ng panaginip mo. Baka mandiri ka pa kahit sa panaginip mo ay nag-enjoy ka naman. Weird talaga. Pero ang totoo may dahilan kung bakit mo ito napanginipan. May mensahe itong nais iparating sa’yo.

Nakikipagtalik sa kapwa babae

Kapag ito ang pumasok sa iyong panaginip, ito ay nangangahulugan ng mga achievements at opportunities na hindi mo nabibigyan ng pansin. Yung tipong nangyayari na sa’yo pero parang wala sa loob mo at hindi naa-appreciate. Nasa malayo pa ang tingin mo dahil meron ka pang mga tinatarget na maabot kaya yung magagandang bagay na nasa palad mo ngayon ay hindi mo napapansin kahit pa marami ang naiinggit sa’yo. Ang magandang kapalaran na tinatamo mo ngayon ay maaaring maglaho sa isang iglap kung patuloy mong aabutin ang mas mataas mong pangarap habang hindi mo pa naa-appreciate ang kasalukuyan mong hawak.

Nakikipagtalik sa kapwa lalaki

Kung pakikipagsex sa kapwa lalaki naman ang naglalaro sa iyong panaginip, ito ay nangangahulugan ng malalaking responsibilidad na iyong kakaharapin. Mga pagbabago na hindi mo inaasahan. Ito ay parehong may kinalaman sa iyong pamilya at trabaho. May maaatang sa balikat mo na mga responsibilidad na sa ayaw at sa gusto mo ay kailangan mong tanggapin. Kasabay nito ay mapapagdaanan mo ang ilang mga bagay na para sa’yo ay mahirap gawin. Wala kang choice kundi pag-aralan ito upang maging pamilyar at makasabay ka sa agos. Kung ito ay tatalikuran mo, mas malaking problema pa sa hinaharap ang maaari mong kaharapin kaya mas makakabuti na maging aware ka na lang sa kasalukuyan at tanggapin lahat ang hamon kaysa maging mas kumplikado pa ang mga susunod na sitwasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here