Panaginip Na Nakikipaglaban Sa Mangkukulam

Kung minsan may mga weird tayong panaginip na kung iisipin ay imposibleng mangyari sa totoong buhay.Pero dahil walang imposible sa panaginip natin kaya naman lahat ay pwede nating maranasan dito. Pwede nga tayong mamatay o isang kaluluwa na lang sa ating panaginip. Isa sa mga nakakatakot na maaari nating mapanaginipan ay ang tungkol sa mga mangkukulam. Karaniwan ay napapanood lamang natin sila sa mga palabas at nababasa sa mga books. Sa totoong buhay ay marami rin ang naniniwala sa mga mangkukulam at sa kanilang kakayahan sa kapangyarihang itim. May masasama at mababait na mangkukulam. Tinatawag itong mangkukulam na puti at mangkukulam na itim. Narito ang kahulugan kapag sila ay iyong napanaginipan.

Nakikipaglaban sa puting mangkukulam- Kapag puti ang iyong kinalaban sa panaginip, ito ay nangangahulugan ng hindi magandang maaaring mangyari sa’yo sa hinaharap. Sapagkat ito ay isang babala na dapat kang mag-ingat. Dapat mong bigyan ng prayoridad ang mas mahalagang bagay. Isang babala rin kaugnay ng isang malaking pagdedesisyon na kailangan mong pag-isipan ng mabuti dahil kung hindi ay mapapahamak ka. Ang pakikipaglaban mo sa kanya ay nangangahulugan ng katigasan ng iyong ulo at ikaw ay hindi handang makinig sa mga payo.

Nakikipaglaban sa itim na mangkukulam- Kung itim naman ang iyong naging kalaban sa panaginip, ito ay nangangahulugan na may suliranin kang mawawakasan. Dahil ikaw ay may sapat na lakas ng loob at katatagan na harapin ang isang paghamon. Ang pakikipaglabang ito ay senyales ng isang tagumpay sa hinaharap. Mananatili ang iyong paninindigan sa kung anuman ang kasalukuyan mong pinaglalaban. Bagamat may kahirapan ay hindi mo ito iindahin dahil ang nasa isip mo ay ang manalo sa laban. Nangangahulugan din ito ng pagsalungat sa pasya ng nakararami. Isang pagpapasya batay sa sarili mong opinyon na di man paniwalaan ng iba ay mananatili kang solid sa iyong desisyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here