Panaginip Na Nakasakay Sa Bangka

1402

Ang panaginip na ikaw ay nakasakay sa bangka ay may maganda at hindi magandang senyales sa iyong buhay. Depende sa kung paano mo ito napanaginipan.

Kung ang bangka na iyong sinasakyan sa panaginip ay hindi gumagalaw o nakaistambay lang, ito ay nangangahulugan na wala ring paggalaw na mangyayari sa iyong buhay. Ibig sabihin, ikaw ay nasa sitwasyon na naka-steady lang. Walang pagbabagong magaganap. Ito ay sa kabila ng iyong pagsusumikap at pagtitiyaga. Walang mangyayari. Mananatili ka sa kung anuman ang kinalalagyan mo ngayon sa buhay kasama ang iyong pamilya. Halimbawa kung laging tapon sahod ang routine ng perang nahahawakan mo, ganoon pa rin ang mangyayari sa mga susunod. Kahit na anong pagsisipag pa ang gawin mo sa trabaho ay mananatili ka pa rin sa iyong posisyon at hindi matitinag kahit pa magkaroon man ng pagbabago sa iyong paligid.

Kung ang bangka naman na kinalulunanan mo sa iyong panaginip ay payapang naglalakbay, ito ay nangangahulugan na kahit papa’no ay may pag-usad na magaganap sa iyong buhay. Yung tipong kahit di ka kumilos ay kusang lalapit sa’yo ang suwerte para dalhin ka sa isang maayos at komportableng buhay. Hindi man ito kasingbilis ng iyong inaasahan ay patuloy itong uusad nang hindi mo namamalayan.

Kung ang bangka mo ay tumaob, ikaw ay posibleng mawalan ng trabaho, matalo sa sugal at bumitaw sa isang relasyon. Dahil ang pagtaob ng bangka ay isang senyales ng kabiguan na maaari mong maranasan. Pwede rin na ito ay kamalasan ng iba at hindi maiiwasan na ikaw ay madamay. Ang pagtaob ng bangka ay nangangahulugan din ng problemang kakaharapin ng buo mong pamilya. Sa problemang ito masusubok ang tibay ng inyong pagsasamahan  at kung hanggang saan ang tiwala nyo sa isa’t-isa.

Kung ang sinasakyan mo namang bangka sa panaginip ay umaandar ng sobrang bilis, ito ay may mensaheng nais ihatid sa’yo. May kaugnayan sa iyong mga gagawing pagdedesisyon. Hindi ka dapat magmadali o magpadalos dalos dahil malapit ka sa pagkakamali.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here