PANAGINIP NA NAGPAPATUNAY NA MAY PROBLEMANG PINAGDARAANAN

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Dream Interpretation Isyu # 46:

Tunghayan natin ngayon ang panaginip ni Jen ng San Fernando La Union, tungkol sa “umiiyak siya at pagkatapos ay may dumating na isang lalaki at sinabi sa kanya na “tama na iyang iyak mo ate, mahal ka ni God.”

Dear Maestro, 

Masayang araw po. Gusto ko lang pong malaman ang kahulugan ng hindi ko makalimutang panaginip ko last week pero paulit-ulit kong naaalala. Ganito po yon: 

Nasa trabaho raw po ako at may dalawang babae na kumausap sa akin, tungkol sa paper works na ginagawa ko. At may numero silang sinabi na mali, pero tama naman “8” daw ang naisulat ko. Iyak ako ng iyak, tapos naiwan ako sa work na nag-iisa at nakatulala. Tapos dumating iyong isang lalaki na dati kong kakilala sabi nya, “Tama na, ate, ang iyak mo, mahal ka ni God– sabi niya at inakbayan pa ako pero habang naglalakad kami bigla siyang nawala. Tapos hinanap ko sila ng bigla na lang may lumapit sa akin na tahimik na asong ulol pero tahimik siya, biglang kinagat ang kamay ko, hindi naman ako nasaktan pero ng pisilin ko raw ang kamay ko ay may dugo. Doon na ako nagising na bigat na bigat ang dibdib ko at napatingin sa kamay ko pero wala namang kagat at wala na rin akong luha ng magising ako. Pero hanggang ngayon ay hindi ko malimutan ang panaginip kong ito. Ano kaya ang ibig sabihin nito?

KASAGUTAN:

Ang “dugo” sa panaginip lalo na’t ito ay makikita sa ating mga kamay ay maipapalagay na siya ring “healing stigmata” na nararansan ng mga taong may kakayahang magpagaling.

Ang saktong paliwanag ng “healing stigmata” lumipat sa kanila yong sugat ni Jesus sa kanilang mga kamay, dahil nga sila ay may kakayahang magpagaling.

Ang isa sa pinaka-popular na santo na nagtataglay ng “healing stigmata” ay si Padre Pio also known as Saint Pio of Pietrelcina na isinilang noong May 25, 1887 sa Italia. Kung saan, dahil sa taglay niyang “sugat sa kamay na siya ring sugat ni Jesus” – marami siyang napagaling na mga karamdaman noong kanyang kapanahunan.

Kaya kung ikaw ay nanaginip ng “dugo” matapos kang “kagatin ng isang asong ulol” ito ay nangangahulugan maaaring sa susunod na mga araw, yong mga “upset emotions mo”, galit, takot, sama ng loob, pag-aalala at kung anu-ano pa, ay unti-unti ng “magagamot”, hanggang sa tuluyang mawala.

Ang “umiiyak” naman sa panaginip ay nagpapahiwatig ng mga bagay na hindi mo maibulalas sa panahong ikaw ay gising tulad ng kalungkutan, mga problema at mga sitwasyong hirap na hirap ka na ay hindi mo maibulalas, ito ang “nagiging representasyon ng pag-iyak sa iyong panaginip”. Ibig sabihin, kaya ka umiiyak sa panaginip, dumadaan ka sa kasalukuyan sa “healing process” na tinatawag. Oo ang iyong kaluluwa, emosyon o damdamin, ay gumagaling, dahil sa “walking life” o sa totoong buhay, “gusto mo sanang umiyak” pero hindi mo magawa. Kaya ng matulog ka, tunay ngang nakatulong ang iyong panaginip na pag-iyak upang mabawasan ang bigat ng iyong loob sa kasalukuyan, kung anuman ang pinoproblema mo sa ngayon.

Sa madaling salita, kaya may “dugo” sa iyong panaginip at “umiiyak” ka sa iyong  panaginip, dahil may problema ka sa ngayon. Mapapaisip ka, saan naman ako may problema o saang aspeto ng aking buhay?

Sinagot ang tanong na ‘yan ng iyong panaginip, kung saan, “nasa opisina” ka at kasama mo ang iyong mga “kasamahan sa trabaho” sa iyong panaginip.  ‘Yun namang mga kasamahan mo sa trabaho ay nagpapahayag na maaaring ang problema mo sa ngayon ay may kaugnayan sa iyong trabaho o career at ang pinoproblema mo ay ang mga kapwa mo rin employee.

Paano naman masosolusyunan ang iyong problema?

Sinagot din ng iyong panaginip ang solusyon sa iyong problema. Ito ay nangyari, ng may lumabas na isang lalaki na dati mo ng kakilala at inalo ka na sinasabing: “Tama na yan ate yang iyak mo, mahal ka ni God.

Ibig sabihin isang lalaki na dati mo ng kakilala ang makatutulong sa iyo upang tuluyan mo ng malutas kung anuman ang pinoproblema mo sa ngayon.

At dahil lumabas sa panaginip mo ang salitang “God” at ang mismong sinabi ng lalaki ay “mahal ka ni God” sa bandang huli –  ay yon nga ang tunay at talagang  magaganap sa “walking life”  mo – “mahal ka ni God.”

Kaya nga anumang magagaan at kahit na mabibigat na problema ang dumating sa buhay mo tiyak na ang lahat ng ito ay masosulusyunan mo ng suwabeng-suwabe at mapagtatagaumpayan mo ng maluwalhati.

Nangyari, dahil tulad ng nasabi na, kahit ano pa ang mangyari, tandaan mo,  hindi makapananaig sa iyo ang anumang problema, dahil ang lahat ng ito ay “so-solve” ni God mismo. At pagkatapos, puro pagpapala na at suwerte ang tunay ngang mapapa sa iyo.

Samantala, ang numerong “8” naman ay siya ring numero ng planetang Saturn. Sinasabing ang sinumang indibidwal na kakapitan ng numerong “8”,  ay dadaan sa matinding kalungkutan, ngunit pagkatapos ng kalungkutan at mga pagsubok, tulad din ng pinapahiwatig ng iyong panaginip,  — agad-agad, malaking pag-unlad, walang kahulilip na kasaganaan at kayamang pang materyal, ang walang tigil at tuloy-tuloy na mapapa sa iyo.

 

(Sa mga gustong magpa-interpret o mabigyang kahulugan ang kanilang panaginip. Mag-message lamang po or mag-comment sa ilalim ng artikulong ito. I-scroll down nyo ang cursor, mababasa ang LEAVE A REPLY, Comment: D’yan n’yo po isulat ang buong detalye ng inyong panaginip. Kung ayaw ipabanggit ang tunay na pangalan, maglagay ng “code name at city or provincial address.” Walang bayad at buong puso po namin kayong paglilingkuran. Maraming salamat po! – MHO)

 

Gusto mo bang matunghayan ang iba pang mga pagtalakay ni Maestro Honorio Ong tungkol sa panaginip? Maaari rin kayong magtanong “online” sa kahulugan ng inyong mga panaginip. Walang bayad namin kayong paglilingkuran. Manatili at lagi lamang sumubaybay sa pang-araw-araw niyang kolum dito lang sa Philippineone.

SHARE
Previous articleALMOND MILK: BAKIT KAILANGAN ITO NG KATAWAN MO?
Next articleIniwanan ang bf dahil hindi makapag-concentrate sa work
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

59 COMMENTS

  1. Ako po lagi ako nananaginip batang nalulunod sinagip ko dw po ilang beses gayan lagi panaginip kopo .

  2. Hello po maestro,ano po ibig sabhin ng panaginip ko kagabi,ang dami ko daw po pinapatay na mga ipis,

  3. Hello po maestro,ano po kaya ibig sabihin ng panaginip ko paulit ulit tatlong beses na po napanaginipan ko bf ko,pero matagal na po kaming hiwalay may pamilya na rin po sya,pero may anak po kami isa,sa panaginip ko po lagi po nagpapapansin pero nd ko po pinapansin,malihim po tumigingin daw po sakin,ano po ibig sabihin maestro,salamat po

  4. Hello po,
    Ano po kaya ibig sabhin ng panaginip ko.. sa panaginip ko po 3 kaming magkakapatid 2 lalake. Tapos po pinagalitan po nung isang panganay na lalaki ung isa po naming kapatid pinisil nya po ang mukha nito at dumugo ng bahagya ang kanyang labi. Pag tingin ko po sa aking kamay sobrang dami pong dugo kahit wala nmng sugat. At bigla pong may mga dugo na tumulo sa lamesa ang dami po tlga. At prang nagagalit daw po ang aming nanay na sa panaginip ko ay patay na daw po. Paki bigyan po ng kahulugan maestro salamat po.

  5. maria ney nobleza henares

    hello po..gusto ko po sanang malaman kung ano ang ibig sabihin ng aking panaginip..ito po ang kabuuan ng panaginip ko..may nakita po akong pangalan ng isang lugar na nasa sign board ang nkalagay po ay STO. TOMAS..tapos naligaw po kami sa daan marami po kaming kasama yong iba nglakad nalang sila dahil wlang masakyan..pero kami ng kasama ko nghintay kami ng jeep na masasakyan..may isang jeep na dumaan ngunit sa kasamaang palad hindi ako mkaakyat dahil sa mataas ang sasakyan nagpatuloy kming lumakad ng kasama ko hanggang narating namin ang dulo ng daan subalit pagdating namin nakita namin ang ibang kasamahan namin na nandoon na sa kabilang parte ng daan at mayroong nakapagitan na isang malaking bangin sa amin kaya hindi kami mkatawid sa kabila kaya bumalik kami sa kung saan kami galing..sa daan my nakita akong mga motorsiklo na ngkakarera..may nakita rin akong nadisgrasya sa motorsiklo..ngunit hindi namin sila pinansin ngpatuloy kami sa paglalakad may nakita kaming jeep na nkaparada ngunit wla pang lnkasakay na mga tao kya sabi ko sa kasama mamaya nlang kami sumakay kung puno na kaya naglakad lakad muna kami hanggang sa gumabi na bumalik kami sa nkaparadang jeep sa kalsada ngunit wala na ang jeep naiwanan kami ng kasama ko kaya naghanap kami ng bahay na matutulugan at nakakita nman kami kya lang pagdating namin doon sa kanila may nakita akong isang tao na nag agaw buhay na pilit na ni rerescue ng may ari ng bahay nakita ko rin ang kapatid ko na babae na nakaupo may hawak na sanggol at umiiyak maraming dugo na nakapaligid sa kanya sa palagay ko na hemorrage cya..niyakap ko ang kapatid ko at sinabi ko na mahal na mahal kita huwag mo kaming iwan..at doon po natapos ang aking panaginip..sana po mabigyan nyo po ako ng kahulugan nito dahil sa ngayon po halos araw araw po akong balisa at kinakabahan salamat po..

  6. Jacqueline De lima

    Gud day,poh,,NAis ko LNG po tanong any po BA kahulugan ng aking panaginip na kinasal saw sa ibang babae ang asawa q..at ang babae n knyang daw pinakasalan at artista po,,iyak daw AQ ng iyak..hanggang sa pinalayas n NIYA AQ..anu po kaya ibig svhn non..hope narugunan po ninyo AQ..thank po at god bless us.

  7. Dear maestro
    Napaginipan ko ang ex-bf ko n ngjojoging tas napako daw ung paa nia at ngpunta xa sa bahy s pgkabhla ko ngmmdali daw ako humanp ng gamot s first aid kit hbng naiyak s sa sobrang dami dw ng dugo ipinahid nia ito s akong towel.at lagi ko xang nppginipan pero my sarili n kming pmlya ngaun.anu po ibig sabihin ng aking panaginip?

  8. Hi po,
    Magandang hapon,

    Sa aking panaginip po ay may nakita daw po akong dugo sa aking tiyan, nuong una ay mahina lang ang padurugo, pero habang tumatagal padami ng padami po yung dugo na lumalabas mula sa tiyan ko. Meron po palang butas sa aking tyan kaya nagdudugo. Nilagyan ko daw po ito ng bulak pero dahil maliit lang yung bulak pumasok daw po ito sa loob ng aking tiyan. May hiwa din po na malaki ang magkabilang binti ko. Yung tipong kita laman at buto. Pagkagising ko po sobrang nanghihina ako dahil siguro sa takot ko sa nangyare sakin sa panaginip ko.

  9. bella ng cotabato nanaginip po ako ng sugat sa paa pero wlang dugo pero ramdam ko ang sakit at pilit ko nilalakad pero nsa isip ko parang maiwan ko ang paa ko pero hndi nmn

  10. Charles Policarpio

    Ano ibig sabihin ng panaginip ko nag aayos lang ako tapos inaangasan ako ng isang may ketong tapos ginawa ko tinulak ko para matauhan tapos sabi po niya sakin bakit ko daw ginawa yon at muntikan na niya ko suntukin tapos ng biglang hinawakan ko sa mukha niya ng wlang takot kasi may ketong d man lng ako natakot lalaki po yuon tapos niyakap ko siya ang sabi ko nais ko lng na mali ang ginagawa mo tapos bigla po siyang natauhan. Gusto ko po malaman kung bakit ganito ang panaginip ko. Salamat 🙂

  11. Hello po … gusto ko pong malaman kung ano ibig sabihin ng napaginipan ko. Nagdudugo daw po yung mata, ilong ,bibig ,saka tenga ko saka madami pong multo bahay namin .

  12. Ako ibig sabhin ng panaginip ko na sa panaginip ko buntis po ako na habang akoy natutulog naramdaman ko na may dugo hinawakan ko po nakita ko dugo na may parts ng bata para pong akong nakunan ganun tas tinatawagn ko daw po ang inay at sis ko nun palapit na nanay ko ang gumising sakin husband ko………
    Sa totoo po ako poy preggy ng 1 and 1/2 months ngaun

  13. Bernadette caumban

    Ako ay nagtatrabaho dito sa aingapore gusto ko lng pong malinawan ang panaginip ko ung 2 kaklase konong high nag aaway babae lalaki tapos umaawat po ako sa knila nasugatan ako ng malaking kutsilyo malapit sa pulsuhan malaki daw ung sugat kaso dumudugo tapos may lalaki sa panaginip ko na nd ko kilala sbi dadalhin daw nya ako sa hospital para tahiin ung sugat ko.ano po ibig sabihinnoon

  14. Bernadette caumban

    Ako ay nagtatrabaho dito sa aingapore gusto ko lng pong malinawan ang panaginip ko ung 2 kaklase konong high nag aaway babae lalaki tapos umaawat po ako sa knila nasugatan ako ng malaking kutsilyo malapit sa pulsuhan malaki daw ung sugat kaso dumudugo tapos may lalaki sa panaginip ko na nd ko kilala sbi dadalhin daw nya ako sa hospital para tahiin ung sugat ko.ano po ibig sabihinnoon

  15. nngnp ako kninng mdling arw, dming tao na habol daw sa akin nassktn daw ako, tpos nakita ko may daw akong prang 2 icepick mag ka bilaan at sla ang snsaktan ko..pingtnggol sarili ko, tpos tkot na tkot sa dmi nla, tuliro at hingal na hingal ako, dmi daw dugo sa paldigid ko, un nagsing na ako.. marami sila, glit na glit daw sa akin. pero ako wlng kibo lumaban lng sa dami nla atpingttgol ko sarili sa bawt atake nla sa akin, di nla ako napatumba, sla mga sugatan at nkahiga, ako may tma rin pero nakatyo at hwk 2 aspek, hinhingal pa ako.

  16. Hi po, ask ko lang kung ano po meaning ng panaginip ko na puro sugat daw po ang ulo ko, at halos mapanot na din daw po ang ulo ko.. meron pa pong isang side ng ulo ko na butas na ang part dahil daw sa sugat, ano po kaya eto?… Tapos po yung second part is nagpapabilisan daw kami sa takbuhan ng mga kasama kong tao sa panaginip, ako po naglalakad lang daw at ang iba ko naman pong kasama eh gumamit ng bike at motor.. hanggang sa gumaya na daw po ako na mag bike..

    Salamat po sa pag pansin..

  17. Ano po kaya ibig sabihin ng panaginip ko? May lumabas daw na dugo sa ilong at bibig ko. Maraming dugo ang lumalabas tapos may isang lalaki akong kaharap nun, yun ay yung live-in partner ko ngaun. Ano po kaya ibig sabihin non?
    Salamat po sa pagpansin.

  18. Ma. Cassandra C. Matic

    Paano magagamit to ako ko po si Andi kung di may sugat ako sa panaginip may minsan sa muka sa balikat sa kamay sa binti. Minsan may namamatay sa panaginip ko. Ako po si Ma. Cassandra C. Matic. bday ko po December 6, 2006

  19. Nanaginip ako now lang ngising ak0 4:37 sumusuka ako ng dugo ang dami tapos ngiisng ako may kumot s leeg ko n prang nasasakl ako nd nmn ako nttulog ng malikot o me kumot s dibdib e… ano po ibig sbhn non

  20. Ano po kaya Ibig sabihin ng panaginip ko na nakakita raw ako sa langit n napakaganda na tila bundok n kulay green at sa tuktok ay ang npakaliwanag na bilog prang araw o buwan yata, sa bandang South gumagalaw siya na tila papunta ng North . Pero habang gumagalaw siya ay naging imahe ni Sto Nino. Malaki siya at nakatingin sa akin o sa baba. Hiniram ko cel ng kpatid ko para picturan at sabi pa ng kapitbahay namin ay ipasa ko din daw sakanya yun mga picture. Pero, non nawala na ang imahe ay hindi ko pala na save yun bawat kuha ko sakanya. Pero sabi ok lang nakita ko naman siya.

    Nagtataka lang po ako, lagi ako nanaginip ng mga Santo o Angel at napakaliwanag at naka tingin sa akin…

  21. hi po
    ano po kayang ibig sabihin ng panaginip ko na yung sto. niño sa bahay namen ay lumuluha tapos bumubuka ung bibig nia tpus ung salita nia naiintindihan ko palitan ko daw ung damit niya tapus humingi cia ng tubig then nung pinapainum q na cia nanga2lat ung tubig sa dibdib nia.. tpus yun gnawa q ung cnabe nia n plitan q ung damit nia nkatayo lang po cia then pnalagay nia dn ung korona nia sa ulo..
    then pagkagicng q ang ganda2 ng mood q parang pkiramdam q isang malaking karangalan n nkausap ko at napglingkuran q ang isang santo…

  22. Pwede po ba magtanong kc nanaginip po ako yung asawa ko nakita ko sumusuka sya ng kung anong bagay tapos na kulay itim ang dami tapos bigla nya ulit bumalik sa bibig nya at kinain ano po ba ang ibig sabihin nun….sana matulungan nyo po ako

  23. Lorna aquarious

    Hello po magandang umaga..gusto kopolman kung ano ibig sabhin ngbpanaginip ko…yong tatay ng Anak ko sama sama kmi na tulog Osama din yon tauhan nya sa trbho.noong matutulog na kmi dumungaw ako sa barandillas or bintana kung Saan may nkasampay doon na malalaking bra at panty na inalis at pinakita ko sa asawa ko at tinanong ko sa kasama nya Hindi daw kanya.ginising ko asawa ko at tinanung ko.Hindi kumikibo kumuha ako ng itak ginayat ko sa braso nya nhiwa pti braso ang dami DUGO lumabas natakot ako at iyak ng iyak gawa ng pinupunasan ko…ano kaya ibig sabhin nun…

  24. Tga pangasinan po ako.nanaginip po ako ng nsa camping kmi tas may dumaan n karusa na ililibing na patay.nasagasaan ung kumot ko.tas sabi ko ayaw ko na gmitin ung kumot.sbi ng tita ko sa knya n lng daw palitan n lng daw nya ng ibang kumot.ano po ibig sabihin nito?salamat po

  25. Nabahala po ako sa pnaginip ko n me lumalabas n kung ano anong bagay sa isang butas ng ilong ko. Kgaya n lng po ng isang matigas n bato npilit kong inilalabas. Tsaka plastik n laruan n pinipilit ko n hilhin plabas.at ku ng ano ano pa. Ano po ibig sbihin non. Tnx nd God bless

  26. Good Morning po ano po ang kahulugan ng napanaginipan ko ang ex husband ko nagkita daw kami wala siyang damit pantaaas pumayat daw siya umitim hinuhugasan niya aliwang paa niya at cnasabi niya umuwi na daw kami sa kabila noon nandon asawa niya hinatid niya ang kama ko tapos umiiyak siya pinapakita niya sakin kaliwang braso niya may sugat namamaga ako naman napaiyak ako at niyakap ko siya kaliwang kamay bandang kili kili.

  27. Ano po ibig sabihin ng panaginip ko na linuluwa ko po ang dugo?at madalas po pag nanaginip ako ng ganun ay nagiging totoo ,bakit po kaya ganun ?sumpa po ba un kapag nagiging totoo ang panaginip ng isang tao?
    Nttakot lng po ako bk maging mangyari ulit wag nmn po sana

  28. ask ko lang po nanaginip po ako ng umubo ako at dugo po ang lumabas bilang dura ko ano po ibg sabhn ng pnaginip ko salamt po

  29. ano po ang kahulugan ng panaginip na naglalakad ako ng naka paa at may kasama akong isang babae na hindi ko kilala ngunit hinalikan ako tapos nakita ko may dugo ang laway ko.
    Nag simula ko po kasi makilala ang babae nung pasakay kami ng van at siningil kami ng pamasahe tapos sabi ng diapatcher umikot kami sa kabila nandun lalabas yung van hanggang naglakad kami ng babae na hindi ko kilala at bigla nalang nagkangitian kami at bigla nalang sya nang gigil at hinalikan ako ng 3 beses.

  30. Stephanie Aguilar

    Nanaginip po ang aking tita na ako daw po ay umiiyak at may sugat sa likod, ano po bang pinapahiwatig nito? paki tulungan naman po ako dahil ako po ay bata pa lamang.

  31. Stephanie Aguilar

    Nanaginip po ang aking tita na ako daw po ay umiiyak at may sugat sa likod, ano po bang pinapahiwatig nito? paki tulungan naman po ako dahil ako po ay bata pa lamang at nagaaral pa lang. Nais ko lang pong malaman kung ano ang ibigsabihin nito.

  32. chelsea de vega

    naaksidente po ako at bigla ako umiiyak sa panaginip yun pla pinaglalamayan na ako.
    tapos bigla na po ako nagising.

  33. Ako poh ay nanaginip na nakapulot ng alahas sa box nakalagay at bakabukas ang box dali dali ko poh kinuha ang box ngunit may na iwan pa bracelet at earing na isang paris binalikan ko din daw ulit…hanggang sa nadugtungan na ang panaginip ko ng numero habang sinusuot ko ang mga alahas na napulot bigla may dumating na kakilala ko at ang sabi 892 ang labas sa loterya.at sinagut ko lng dw muntik pla manalo ung numero ko 129…sa sunod na nmn mga gabi ako ay nanaginip na nmn Alahas din namamasyal dw ako sa mga shop ng alahas at balak bumili pero d ako naka bili kc wala ako nagustohan…at ng umuwi ako may nakita ako pawikan pagong na malaki may anak pa.sa gilid ng dagat at ng hhulihin ko na sana bigla nmn lumakas ang alon at agus ng dagat kc high tide ..at naglaho nalang ang pagong..gusto ko poh malaman bakit lagi ako nanaginip ng alahas..kada panaginip ko lagi poh maybkasama alahas salamat poh sana masagut nio

  34. hi po magandang araw sainyo
    nanaginip po ako nag ang panty ko may dugo sa kabilang side ma tae . ano po ibig sabhin non

  35. Ano ang ibig sabihin pag napanaginipan mong umiiyak sa panaginip ang isang taong mahal mo?

  36. Paano po pag umiyak ng dugo ano po kaya ibig sabihin nun

  37. dolores ramos roldan

    Comment:dear maestro,,
    good day po…ano po ibig sabihin ng panaginip ko na nbubulok at ang dmi daw uod ang kaliwang paa ko.ito po yong naoperahan 20 years ago dahil sa tinik ng kawayan .

  38. Hai…
    Anu po kahulugan ng nanaginip na nagmotor kami ng asawa ko at may nakasalubong kaming truck na may kargang baboy at nahulug ang kumot na mabango amoy dawny po kinuha ko at itinupi ko

  39. hello po.. nais ko pong malaman. kung anu po ibig sabihin ng panaginip ko.. pabalik balik po ako sa banyo.. peri hnd nmn po ako naccr? ..

  40. Gud day Po,nanaginip Po ako tungkol sa aking anak na lalaki , nauntog Po daw sya at dumugo ito,unti unti may lumabas na dugo din sa kanyang bunganga,sobrang lungkot ko Po daw,Anu Po Kaya Ang ibig sabihin Ng aking panaginip,kagabi ko pang Po it napanaginipan,

  41. Hello Po,ask ko lng Po Kung Anu ibig sabihin Ng panaginip ko last night, tungkol Po ito sa anak Kong panganay na lalaki,natumba Po daw sya at nauntog,nag dugo Po daw Yun sugat nya,at nun kinarga ko Po sya may lumabas na din pong dugo sa bunganga nya,Anu Po Kaya Ang ibig Sabi nito

  42. Ako po maestro kinukuhanan po ako ng dugo isa Kong ka-trabaho malaking plastic bag po ang lalagyanan, sabi ko po sa ka-trabaho kong tomboy na ikaw na ang bahala sa akin at itinusok na nya sa kaliwang braso ko ang karayom marami ng dugo po ang nakuha sakin nung makita ko ang dugo ko na nasa plastic bag isip ko bakit ang dami at tinanung ko kung i-do-donate ba yan? At anu yung nasa itaas ng dugo ko na medyo kulay dilaw na may pagka orange tinanung ko kung plema ba yan? Wala naman malinaw na isinagot ang ka-trabho Kong tomboy kaya inisip ko nalang na requirements sa trabaho namin.

  43. Ako nman po lagi aqung nanaginip ng maraming isda aqung nahuli,,,,at tsaka yung lumilipad daw po aqu…ano po ibig sabhin yung mga ganung panaginip.salamat po sa pagpansin

  44. Josephine villamor Roculas

    magandang araw po!!
    ako po na naginit ng ahas at santo niño, di ko na po tanda ang kulay ng ahas.
    ang aha po ay nakapulupot ang katawan at ang santo niño po at nakapatong sa buntot ng ahas, iyon lamang po..

  45. Magang araw PO sa inyo ako di Grace nais ko pong mabigyan Ng kasagutan ang panaginip ko nabutas daw ang leeg ko at ang lalim pinasok ko raw ang daliri ko sa butas tapos natatakot ako dahil di ko mahawakan ang dulo Ng butas napakalalim talaga Kaya kinuha ko agad ang kamay ko
    Sana po mapapansin nyo ang minsahing Ito at Ng mabigyan Ng linaw o kasagutan Ng panaginip ko

  46. maelyn francisco

    ano po ba ang ibig sabihin ng aking panaginip.

    Ako po ay nanaginip na may malaking sugat po ako sa bandang tuhod at sobrang laki at napakaraming dugo po nito ano
    at dahil don hirap akong makalakad
    Ano po ba ang ibig sabihin ng panaginip ko
    SALAMAT PO

  47. Hello po , lagi ko po napapanaginipan yung taong matagal ko ng di nakakasama . Di ko naman siya naaalala kapag gising ako , sa panaginip ko lang siya nakikita . Bakit po kaya ganun .?

  48. Hello po maestro..gus2 q lng po ibahagi ang panaginip q na guz2 q pong malaman ang ibig sabihin ..nanaginip po aq xa tatay q na sinaksak q cia ng kutsilyo at umiiyak po aq cge sigaw na tatay..hanggang ca nagising aq na hapong hapo..akala q po totoo..lumaki po aqng wlang tatay at hnd q po nakilala ang aking ama..sna po may ma bigyan nyo ng kahulugan ang panaginip q..maraming salamat po

    • Hi po
      Ano po kahulugan ng panaginip ko poh nakita ko kapatid na lalaki na nabulag ang kanyang mata poh na right na mata poh, nabalot po yon nang puti ang kulay, tapos po iyak po ako bakit nangyari yong

  49. Magandang Umaga po..nais ko lamang po mag pa tulong regarding sa panaginip ku
    Ako po ay nanaginip na naki pag sex sa ibang lalaki tapos takot po akung malaman iyon ng asawa ko Peru ibang lalaki po Ang asawa ko sa panaginip ku..
    2. Ako po ay nanaginip ng multo tulad ng pinapanood ku da tv at pag ikot ku sa bahay kasi sa panaginip ku nasa likod bahay kmi Yun nga pag ikot ku sa harapan Yung asawa ku na mismo sa totoong buhay Ang nakita ku Ang nangyari Naman sa eksena nag da drugs daw sya tapos harap harapan na tapos po naki paghiwalay na aku sa kanya kasi Sabi ku may babaw na at nag drugs pa pumayag Naman sya na maghiwalay kmi..and then lumabas sya my kwarto pag balik ibang lalaki Naman po Yung tatay na Naman ng panganay ko nag agawan kmi sa shabu which is Kaya kmi nag hiwalay ng tatay ng anak ku dahil sa druga at dun na po aku nagising..

  50. Hi po
    Ano po kahulugan ng panaginip ko poh nakita ko kapatid na lalaki na nabulag ang kanyang mata poh na right na mata poh, nabalot po yon nang puti ang kulay, tapos po iyak po ako bakit nangyari yong

  51. Hi Maestro,

    Gusto ko lamang po ikonsulta ang aking panaginip, sa tuwing nananaginip ako ng bahay, maayos naman ang kabuuan maliban sa sahig sa sira-sira.. ang nakakapagtaka bago yung bahay maganda ang pagkakayari mula sa haligi at bubong, maging ang tanawin mula aa bintana ay maganda, ang hindi ko maintindihan ay kahit sira ang sahig ay nagagawa kong umakyat sa taas ng bahay at pag nasa taas na ako saka ko lang mapapansin sa sira ang sahig, as in sira sya hindi dahil sa inanay or nabulok sira na parang sadyang ganun at dun po ako puntong yun nagigising.. kahoy po ang sahig.. sana po ay mabigyan nyo ng sagot
    ang magulo kong panaginip. Salamat pi ng marami.

    Aleli

  52. Hi po, gusto ko lamang po malaman kung ano ibig sabihin nito
    Pauwi napo kmi ng kaibigan ko noon ng bigla na lang may sumaksak sa kanya at dahil nagalit ako kinuha ko ang ballpen ko sa bulsa at sinaksak ang salarin. Paulit ulit ko syang sinaksak at gnon din ang kaibigan ko.. sa di malamang dahilan itinakbo ko ang kaibigan ko at binuhat, humingi ako ng tulong sa may bandang kaliwa namin ngunit sinabi nila na mrami silang ginagawa kaya hndi kmi mtutulungan. Nagkataon noon na nagpasundo nako sa papa ko bago mangyari ang insidente, may nakita akong tao tawagin nalang ntin sa pangalan na nay niks, bakla po sya.. sya ang tumulong sa amin noon pra sa project sa school.. sa lugar din po nya nangyari ung pagsaksak, tas tinulungan nya po kmi at isinakay sa taxi ang kaibigan ko at dumating na ang papa ko ngunit sinabi ko na kay nay niks nalang ako sasabay at pgdating sa hospital, hndi agad naasikaso ang kaibigan ko, kaya nagtanong tanong ako don at yun na nga kinuhaan sya ng dugo isang pack din un at ibinigay sakin dugu duguan na ang kaibigan ko non.. at don na nagtapos…

  53. Magandang araw po sir. Gusto ko lang po sanang bigyan ng linaw ang aking napapaginipan noong isang araw. Nakakatakot po.

    Una, napanaginipan ko po na nasa loob po ako ng isang parte ng structure na nasusunog. Hindi ko po alam kung bahay sya o building kasi parte lang po ang nakikita ko at ang parte na iyon ay mistulang bakal na balkonahe. Pero ang ipinagtataka ko po ay itim po lahat nang iyon pati na yung balkonahe.

    Sa pagdaan ko po sa isang pintuan patungo sa isang balkonahe, nakita ko po ang isang lalaki na nasusunog. Hindi ko po sya namataan pero tinulungan ko po siya. Ang ipinagtataka ko po ay hindi po ako naiinitan sa apoy, nahawakan ko pa ang mga apoy sa paligid ng katawan ng lalaki dahil tinatakpan ko ang apoy sa kanyang katawan hanggang upang mawala.

    Sa kabila po nito, bigla po akong napunta sa paaralan kung saan pinaplano ko ang paglilipat ko ng kurso, pero ang itsura ng paaralan ay hindi kagaya sa tunay na paaralan ko ngayon.

    Sa kabila naman nito, bigla po akong narating sa bahay, pero hindi kagaya ng itsura sa bahay namin ngayon. Malinis ang kama nito at malaki ang espasyo. Naglakaro daw po ako ng playstation at ang nanay ko ay nasa likod ko. Napakalaki po ng monitor na pinaglalaruan ko. Bigla pong nakita ko sa malaking screen ang isang sasakyan na may babae sa loob, nakakatakot po ang kanyang mukha. Mukha pong magara, malinis, at maganda ang kanyang suot pero ang kanyang mukha ay punong puno ng sugat at ang ibang parte nito ay may nana pa at para rin bang nasusunog sya. Bagamat nasa malaking screen ang nakakatakot na imahe para bang napasok ako dito at nalabas ako ulit nang mabilis sabi ko po sa nanay ko na paki turn off po ng screen kaya lang nagalit sya bigla kasi marami syang ginagawa kaya tiniis kong tingnan ang screen na may imahe ng babaeng maraming sugat sa mukha. Nang ma press ko po ang shut down sa malaking screen, doon na po ako biglang nagising.

    Palipat lipat po ng lugar ang aking panaginip kaya marami po ito.

    Sana po ay mabigyan nyo po ng interpretasyon ng posibling kahulugan ang aking nakakatakot na panaginip. Maraming salamat po at god bless.

  54. hello po magndang umaga po tatanong ko lang po sana ano kahulugan ng panaginip ko?na sa isang di kilalang bahay kming mag pipinsan at kaibigan ko ngayon po inintindi ko ang anak ng kaibigan ko lilinisan ko po yung bata nung naalisan ko ng damit bigla siyang nauntog sa basag na tagayan at duguan na yung ulo ng bata pero kahit madami ng dugo nalabas buhay pa din ang bata ndi yung katulad ng iba na nahihimatay na dadalhin na sana namin siya sa ospital kaso naman po itong aking ina inuna ang pagdadala ng bigas at magdadala nga daw po siya bigas sa hospital ano po kaya ibig sabihin ng dugo at bigas?

  55. Gudeve po…nanaginip po aq ng isang balon na may napakalinaw na tubig nakita q po ang isang taong kakilala q sa ilalim nun..nkahiga ng patagilid at nakabaluktot na parang may iniindang masakit..iniahon q po xa at ng tingnan q po ung mukha nia bgla pong tumanda..ano po kaya ibig sabihin nun..?sana po masagot niu.maraming salamat

  56. Ma nanaginip po aq may isang lalaki ksma si jc pa tawid sila pero si jc na hagip ng bus kc pg stop nila dretso lakad parin si jc tpos ang alam q prang patay na sila tpos nkita q sila s pic or nakuhanan tpos bigla aq na takot kc fellng q nag paparamdam sila sa akin… may ibig sbhn po ba yan oh wla nmn prang may dugo ung mata ung nkita q sa pic dko matandaan kng si jc ba un oh ung kakilala q oh same sila meron dugo sa mata sa pic tpos paulit ulit kng nkikita sa vidrkng paano nasagsaan si jc sa panaginip q po

  57. Nanaginip po ako na kinagat sa braso ang anak ko at may dugo…ano po ba ang numero ng panaginip ko?

  58. Magandang tanghali po c nabu po ito NG Makati
    Nanaginip po ako ng Ang mga Tao raw po ay nakasuot NG mga sapatos..halos raw po ay nagkakapareho cla NG suot
    ako Rin po Taz po mayamaya Yung mayor namin sa Amin ay Nakita ko naghahanap raw NG view umaakyat sila sa taas NG malaking bahay sa 4th floor daw pero makita ko NASA 2nd floor Lang inakyat nila,Taz gusto ko Rin sanang inakyat pero diko na ginawa at masabi ko nlang sarili ko..nakakapagod
    Ano po Kaya ibig sabihin po nito
    Marami pong salamat sa inyong tugon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here