Panaginip Na Nabunyag Ang Iyong Pinakatatagong Sikreto

Ang lahat daw ng tao ay may kanya-kanyang lihim sa buhay. Maaaring siya lang ang nakakaalam nito o merong isa o dalawang tao na sobrang malapit sa kanya na napili niyang pagkatiwalaan. Merong lihim na hindi maganda at kinatatakutang mabunyag, meron din namang lihim na maganda pero wala na lang balak na ipagsabi pa para ipagmalaki. Kapag ang dalawang uri ng lihim na ito ay pumasok sa iyong panaginip at sa panaginip mo ito ay nabunyag, narito ang interpretasyon nito.

Mabuting sikreto

Kapag mabuting sikreto ang nabunyag, ito ay nangangahulugan na may haharapin kang isang malaking hamon. Wala kang dapat na ipag-alala sa pagharap mo sa hamon na ito dahil anuman ang iyong maging pagpapasya para malampasan ito ay magreresulta ng maganda. Ibig sabihin ay hindi ka mabibigo. Bagamat hindi mo maiiwasan ang paghamon na ito ay hindi ka dapat matakot o mangamba ng husto dahil mapagdadaanan mo lang ito at agad masosolusyunan.

Hindi mabuting sikreto

Kung hindi naman mabuting sikreto ang nabunyag sa iyong panaginip, siguradong kahit gising ka na ay babalik balikan mo pa rin ito sa iyong isip dala ng takot na magkatotoo ito. Ang panaginip na ito ay nangangahulugan na may malaking pagbabagong magaganap sa iyong buhay. Hindi ibig sabihin ay masisiwalat nga talaga ang pinakatatago mong lihim na ayaw mong malaman ng iba. Ang pagbabagong magaganap sa buhay mo na siyang mensaheng hatid ng iyong panaginip ay hindi dahil sa isang matutuklasang sikreto gaya ng napanginipan mo, kundi ito ay may kinalaman sa araw-araw mong pamumuhay. Halimbawa, kung dati ay malakas ang inyong negosyo, ito ay maaaring magsara. Pwede rin na ang iyong karelasyon ay maaagaw ng iba. Ibig sabihin, ito ay mga senaryong hindi mo inaasahang mangyayari sa buhay mo. Mga sitwasyon na ikagugulat mo at ng mga taong nakapaligid sa’yo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here