Panaginip Na May Malalang Karamdaman

Ang managinip na ikaw ay may malalang karamdaman ay hindi pangkaraniwan. Kahit gising ka na ay magdudulot pa rin ito ng takot sa iyong isip. Yung tipong babalik balikan mo sa isip kung ano ang nais nitong ipahiwatig sa’yo. At hindi ka matatahimik hangga’t hindi nawawala sa isip mo ang panaginip na ito.Lalo na kung takot ka na pagdaanan ito sa totoong buhay. Kung gano’n, dapat lang na malaman mo ang mensaheng hatid ng ganitong klaseng panaginip.

Ang panaginip na ikaw ay nagtataglay ng isang malalang karamdaman ay nagsasabi ng maraming pagkakamali at kakulangang nagagawa mo. Ibig sabihin ikaw ay nasa maling direksyon ng iyong buhay. At walang tao na nagmamalasakit sa’yo para ituwid ang iyong landas. Walang umaakay patungo sa tamang daan na dapat mong tahakin. Ang malalang sakit sa iyong panaginip ay isang senyales na dapat mo ng ayusin kung anuman ang mga hindi mo pa naaayos. Maaaring ito ay relasyon mo sa isang tao. Pwedeng kapamilya, kaibigan , katrabaho o kapitbahay na hindi mo kasundo.

Ganoon din sa iyong sarili. Kung ikaw yung tao na sobrang abala sa trabaho, panahon na upang bigyan mo naman ng atensyon ang iyong sarili. Maging ang mga mahal mo sa buhay. Ang labis mong pagkasubsob sa trabaho ay isang malaking dahilan para ikaw ay maligaw ng landas. Dahil marami kang malalampasan sa buhay na dapat mong nararanasan. Tulad ng pakikipagsaya, pagrerelax, pakikipagkapwa at marami pang iba. Ang paalalang ito mula sa iyong panaginip ay kailangan mong bigyang pansin. Dahil kung ipagpapatuloy mo lang ang nakasanayan ng gawain ay malaki ang posibilidad na sa oras ng iyong pagtanda ay saka mo lang marerealize ang lahat at pagsisisihan mo na hindi mo nagawa ang maraming bagay. Kaya habang binibigyan ka pa ng pagkakataon ay matuto ka ng magbalanse sa trabaho at sa personal mong buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here