Panaginip Na Maraming Kuto

4147

Marami ka bang kuto sa totoong buhay? O may kakilala ka na marami nito? Hindi ito maganda sa buhok. Hindi magandang tingnan at hindi rin mabuti sa ating kalusugan. Sinisipsip nito ang dugo sa ating ulo at masyadong makati kapag gumagapang. Kaya sigurado na walang tao ang gugustuhin na magkaroon ng alagang kuto sa kanyang ulo. Pero paano naman kung wala ka ngang kuto sa tunay na buhay pero nanaginip ka naman na napakarami mo nito? Siguradong kikilabutan ka kahit ito ay panaginip lang. Lalo na kung mararamdaman mo rin ang sobrang kati sa ulo sa mga sandaling ikaw ay kasalukuyang nasa gitna ng iyong panaginip. Narito at alamin natin ang kahulugan nito.

1.Kung sa panaginip mo ay nasa ulo mo lahat ang mga kutong naggagapangan, huwag kang masyadong mairita dahil positibo ang ibig sabihin nito. Ito ay nangangahulugan na maraming oportunidad ang darating sa’yo at malilito ka kung ano sa mga ito ang uunahin mong tanggapin at bigyan ng panahon.

2.Kung ang napakaraming kuto naman sa panaginip mo ay nakita mo sa ulo ng ibang tao, ang ibig sabihin ay magkakaroon ka ng mga bagong ideya para sa ikagaganda ng iyong proyekto at ikakabuti ng iyong trabaho. Ang mga ideyang ito ang magiging dahilan din ng instant pag-angat mo sa buhay.

3.Kung sa panaginip mo naman ay pinapatay mo ang napakaraming kuto, ito ay nangangahulugan ng pagsasakripisyo. Ang halimbawa nito ay may isang oportunidad kang bibitawan para makuha mo ang mas malaking oportunidad sa trabaho. Ito ay pwede rin na maiugnay sa iyong relasyon. May isang tao kang isasakripisyo alang-alang sa relasyon mo sa isa na mas gusto mong proteksyunan.

4.Kung ang mga kuto naman sa iyong panaginip ay natagpuan mo na naggagapangan sa iyong unan, ibig sabihin ay may magaganap na reunion sa inyong pamilya o kaya ay mga kaibigan. May mga tao kang muling makakasalamuha na matagal mo ng hindi nakikita.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here