Panaginip na Ikaw Ay Walang Makain

Sa mga mahihirap na tao, palagi nila itong nararanasan. Ang magutom dahil walang makain. Dahil walang pera na pambili. Ang karamihan ay sanay na at pangkaraniwan na lang ito sa kanila. Pero ang mga taong mayayaman ay parang imposible itong maranasan. Marami silang pera na pambili ng kanilang pagkain. Siguro pwede nila itong maranasan sa panaginip. Ano kaya ang ibig sabihin nito kapag napanaginipan nila na tulad ng mahihirap, sila ay wala na ring makain?

Narito ang mga kahulugan ng panaginip na walang makain.

Kung ikaw ay maperang tao at napanaginipan mong tila kumakalam na ang iyong sikmura at wala kang makitang pagkain sa mesa o kahit na saan ka pa tumingin, ito ay nangangahulugan ng isang pagsasakripisyo. Maaaring ito ay may kinalaman sa iyong trabaho o sa iyong pamilya. Sa iyong trabaho, halimbawa ay may kailangan kang gawing desisyon, yung tipong madalian, biglaan na kung hindi mo ito gagawin ay magkakaroon ng hindi magandang consequence sa iyong trabaho. Sa iyong pamilya naman, ito ay nangangahulugan ng isang hindi magandang sitwasyon na sama-sama ninyong kakaharapin. Wala itong kinalaman sa literal na pagkain kundi sa inyong relasyon sa isa’t-isa at may kinalaman din sa inyong espirituwalidad.

Isa pang kahulugan ng panaginip na walang makain ay may kinalaman naman sa iyong sarili. Ang ibig sabihin, ikaw ay may hinahangad na isang bagay na gustong gusto mo talagang makuha. Yung tipong hindi ka mapapalagay hangga’t hindi ito napapasaiyo. Ang problema, kahit na anong gawin mo ay imposible pa itong mapasa’yo. Hindi pa ngayon o bukas kundi matagal pa ang iyong ipaghihintay bago mo ito makuha. Marami ka pang dapat gawin at dapat pagdaanan. Kakailanganin mo pa ng sipag, tyaga at mahabang pasensya. Pero kahit gano’n ay wala kang balak sumuko. Ilalaban mo ito at hindi mo alintana anuman ang maging hadlang para makamit mo ito. Nandoon un hunger na mapasa’yo talaga ito.

SHARE
Previous articleLove Horoscope; Marso 20
Next articleANG MISTERYO NG ‘BLACK RAIN’ SA HASUDA SA BANSANG JAPAN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here