Panaginip Na Ikaw Ay Naiwan sa Kagubatan

Ano ang gagawin mo kung ikaw ay naiwan na mag-isa sa gitna ng kagubatan habang ang mga kasama mo ay nakasakay na sa sasakyan o kaya ay malayo na ang distansya ng nalakad mula sa kinatatayuan mo? Nakakatakot diba? Lalo na kung gabi na at hindi ka pamilyar sa lugar. Tapos wala pang signal. Yung tipong mapapaantanda ka na lang at hihilingin sa Diyos na agad ka ring makalabas sa gubat na ‘yon o kaya ay may dumating na maaaring tumulong sa’yo na makaalis ka sa ganoong sitwasyon. Unless ikaw yung tipo ng tao na may sapat na lakas ng loob para tahimik na lang na hanapin ang daan palabas. O kaya ay  palipasin ang magdamag at enjoyin na lang ang pag-iisa haban nagne-nature tripping. Iyan ang dalawang pwedeng mangyari sa’yo kapag napasok ka sa ganyang sitwasyon. Pero paano kung sa panaginip mo ito mangyari?

Ang kagubatan ay isang malawak na lugar kung saan mararamdaman mo ang sigla ng kalikasan.Kung sa panaginip mo ay takot ang hatid nito sa’yo, ito ay nangangahulugan na marami kang mga dapat gawin sa iyong buhay na pinangangambahan mo. Marami ka ng naging pagkakataon na gawin ang mga ito at marami ka na rin naging option para rito pero takot kang sumubok. Hindi ka handang mabigo. Pakiramdam mo ay hindi mo makakayang tanggapin kung hindi mo ito mapagtatagumpayan. Kung sa panaginip mo naman ay kaya mong i-enjoy ang iyong pag-iisa sa kagubatan kahit alam mo pang ikaw ay naliligaw na, ito ay nangangahulugan na handa ka nang tanggapin ang hamon sa iyong buhay. Maliwanag mong nakikita ang direksyon na iyong tinatahak pero wala kang plano na magmadali. Gusto mong matiyak na nasa ayos ang lahat. Ang panaginip mong ito ay senyales na napakarami mong kakayahan na pwedeng ipakita sa mundo. Nasa iyo rin ang katangian na kahit magkaroon pa ng mga balakid ay hindi ka matatakot na sumubok at sumugal.

SHARE
Previous articleBilang Ng Mga Namamatay Sa Sakit Na 2019 NCOV, Tumaas
Next articleOFW Story ni Joseph: Paghihirap naramdaman sa abroad

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here