Panaginip Na Ikaw Ay Isang Hayop

Halos lahat ng tao ay may paboritong hayop. Karaniwan, ay inaalagaan natin sila at itinuturing na parang isang kaibigan o kapamilya. Dalawa sa mga sikat na hayop na ginagawa nating pet sa bahay ay ang aso at pusa. Marami rin ang nag-aalaga ng rabbit, isda, daga at iba pa. Sa zoo naman nakikita ang mga wild animals maliban sa kagubatan na tunay nilang tirahan. Kung marami ang natutuwa sa mga hayop, meron din namang hindi natutuwa sa kanila lalo na kung may allergy sila dito. Pero hindi natin maitatanggi na sa kabuuan ay malaking bahagi ng buhay natin ang mga hayop lalo na ang mga napapakinabangan natin sa hanapbuhay gaya ng kalabaw, kabayo, baboy, baka at manok. Kung isa ka sa mga taong magiliw sa mga hayop, ano kaya ang magiging pakiramdam mo kapag naranasan mo na ikaw ay maging tulad nila sa iyong panaginip? Ano kaya ang mensaheng ihahatid nito sa buhay mo?

Kapag nanaginip ka na ikaw ay hindi tao sa halip ay isang aso na kumakahol, pusang nililinis ang katawan sa pamamagitan ng dila, isda na lumalangoy o kaya ay ibong lumilipad, malawak ang mensaheng hatid nito sa iyong pang-araw-araw na buhay. Anumang hayop ang iyong mapanaginipan, parehas lang ang mensaheng nais nitong ipaunawa sa’yo. Ikaw ay maraming hindi naiintindihan sa iyong kasalukuyang buhay. Ibig sabihin ay kailangan mo munang pagdaanan ang eksaktong pinagdaraanan ng iyong kapwa bago mo siya maintindihan. Tulad halimbawa ng ibon na lumilipad, kung ikaw ay naging ibon sa panaginip at nakita mo ang napakalawak na lugar, ibig sabihin ay kailangan mong makita ang nakikita ng iba, kung paano nila ito tinitingnan. Kakailanganin mong buksan ang puso’t isipan mo sa isang bagay, tao o sitwasyon. Ikaw bilang hayop sa iyong panaginip ay mararamdaman mo ang kanilang nararamdaman. Kung ano ang hirap at saya ng pagiging isang tulad nila. Samaktuwid, ito mismo ang mensaheng nais ipabatid sa’yo ng panaginip na ito. Ang ilagay mo ang sarili mo sa lugar ng ibang tao. Bukod dito, ang pagiging isang hayop ay isa ring malaking hamon. Ibig sabihin ay may mga paghamon ka ring kakaharapin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here