Panaginip Na Ikaw Ay Hindi Ikaw

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Nanaginip ka na ba na ikaw ay hindi ikaw? Yung tipong ikaw ay nabubuhay sa katauhan ng iba. Iba ang iyong kilos at pag-uugali. Iba rin ang iyong hitsura kung ikaw ay haharap sa salamin. Maging ang iyong katayuan sa buhay ay iba. Ang tanging natira lang sa tunay na ikaw ay ang iyong isip. Halimbawa ang pangalan mo ay Anna. Alam mo na ikaw si Anna at alam mo kung anong mukha meron ka at kung sino ka talaga sa totoong buhay subalit ikaw ay ibang tao sa iyong panaginip na hindi mo kilala. Marahil ang una mong maiisip na ang taong ikaw sa iyong panaginip ay maaaring ang tao na reincarnation mo o ikaw ang reincarnation nito. Maaaring ikaw ay dating siya at siya ay dating ikaw. Pero nagkakamali ka. Ang ganitong klaseng panaginip ay walang kinalaman sa reincarnation.

Ang managinip na ikaw ay hindi ikaw ay may kaugnayan sa mga pagbabago na posibleng maganap sa iyong buhay sa hinaharap. Ito ay isang senyales na maraming plano ang tumatakbo sa iyong isip at nakasalalay sa mga planong ito ang kinabukasan mo at kinabukasan ng iyong pamilya. Halimbawa, ikaw ay nagbabalak na mangibang bansa. Ito ay isang malaking plano na makakaapekto sa kabuuan ng iyong buhay. Ibig sabihin malaking pagbabago ang magaganap dahil ikaw ay malalayo sa iyong pamilya, bagong karanasan sa trabaho at mga bagong makikilala. Isa pang pagbabago na maaaring may kaugnayan dito ay may kinalaman sa iyong buhay pag-ibig. Posible na makagawa ka ng isang desisyon na labag sa iyong kalooban. Halimbawa, ikaw ay mapipilitang makipagkalas sa iyong karelasyon dahil sa isang mabigat na rason. Yung tipong wala kang choice kundi bumitaw at gawin ang bagay na iyon kahit ayaw mo dahil meron kang isinasaalang-alang. Kung ito ay mangyayari natural lamang na ikaw ay haharap sa isang malaking pagbabago sa iyong buhay pag-ibig.

Samakatuwid, ang managinip na ikaw ay hindi ikaw ay tumutukoy o nagsisilbing senyales ng mga pagbabago na maaaring maganap sa iyong buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here