Panaginip; Isyu 279

1220

ROSALIE

Ano naman po ang ibig sabihin kapag ang sahig ng bahay ang sira? Ang pakiramdam ko po sa panaginip ay pagtataka sa mga nakikita ko sa loob ng bahay..pag kagising ko po ay okey lang po .

               Ang iyong panaginip ay maaaring senyales na huwag ka munang sumugal sa mga tao o pangyayaring paparating sa buhay mo. Ang pagakaroon ng panginip tungkol sa sirang sahig at pakiramdam ng pagkabalisa sa panaginip ay nagpapahiwatig ng mga bagay o relasyon na maaaring masira at mahirap ng ibalik. Mabuting mag ingat sa mga bibitawang salita at pinakamainam kung iiwasan na lamang muna ang mga ito at bibigyan ng panahon.

More Info

CHERYL CARBAJOSA

Magandang gabe po..ask k lng po sna kng anu kahulugan ng tumae s arenola instead n s inudoro..thanks po

               Ang iyong panaginip ay nagpaparating ng mga negatibong emosyon ng iyong kalooban. Ito ay madalas na panaginip ng karamihan at pinahihiwatig nito sa iyo na kailangan mong tanggalin ang mga emosyong nagdudulot sayo ng sama ng loob.

More Info 

RODRIGO

Ako nanaginip ako ng tae rin pero ibang sitwasyun.. ako nanaginip ng sangol tapus ‘yung sangol is tumae sa diaper niya na nakarga ko pa, puno ‘yung diaper niya ng tae. Naalala ko nga na sabi nga eh, swerte daw ang tae. Siguro nga, ganun. Pero tanong po kayang kahulugan ng panaginip ko po? Na may kasama akong bata tapus tumae siya sa diaper niya.
Rodrigo

                Ang pinapatungkulan ng iyong panaginip ay ang dumi ng sanggol na iyong kasama at ito’y nagpapahiwatig ng positibong simbolismo sa iyong buhay. Ipinararating nito na ika’y nagtrabaho’t nagsipag kaya naman ika’y pagpapalain. Makakampante ka sa pera na iyong kikitain at paparating sa iyo. Ngunit maaaring ito rin ay kabaligtaran, na ika’y hindi pa handa sa mga responsibilidad na paparating sa iyo at posibleng marami ka pa ring pinanghahawakang responsibilidad sa buhay mo sa ngayon

More Info Here

MJ MONTENEGRO

Good day po.. Ako po pla c jm cebu po.. Nais q po malaman kung ano po ang kahulugan ng aking panaginip.. Unang gabi po napanaginipan q ang aking ama na matagal ng patay di kmi close nung nabubuhay pa sya peri sa panahinip q na un ok kmi at. Masaya.. 2nd night po ung lola q naman po at tito di q po close ung tito q na un sa panaginip q pinatay po xa pero patay na po tlga xa sa totoong buhay.. Ung lola q naman po kinakausap aq un po tlga ang ka close q. Malungkot xa nung una dahil gutom na xa tapos nung dumating aq bigla xa naging masaya. Please po sana mabigyan nio po aq ng kasagutan salamat po more power and Godbless
Mj montenegro


               Ang pagkakaroon mo ng panaginip tungkol sa mga namatay mo nang mga kamag-anak ay importanteg signos na hindi mo dapat ipagsawalang bahala. Ito ay maaaring nagbibigay ng mensahe at payo sayo tungkol sa paparating na mga pangyayari sa buhay mo na dapat mong pagtuunan ng pansin upang maiwasan mo ang makagawa ng pagkakamali. Maaaring ito rin ay manipestasyon ng depresyon o di kaya’y pagkakasala mo sa kanila.

More Info Here 

RENALYN ELLIOT

Paano po kong namumulot ka ng mga diamonds na ibat ibang kulay? Tapos nag aalinlangn ka n bago fake ang mga diamonds n pinupulot mo? Ano po ang ang ibig sabihin nyan?
Renalyn Elliot

               Kapag ikaw ay nanagnip ng mga tungkol sa diyamante, ito ay nagpapahiwatig ng pag ibig, at kung ito naman ay makulay, pinapaalalahanan ka nito ng halu-halung emosyon at pagdadalawang isip tungkol sa taong mahal mo o minamahal mo.

More Info Here:  

JENNY

Ako po maestro kinukuhanan po ako ng dugo isa Kong ka-trabaho malaking plastic bag po ang lalagyanan, sabi ko po sa ka-trabaho kong tomboy na ikaw na ang bahala sa akin at itinusok na nya sa kaliwang braso ko ang karayom marami ng dugo po ang nakuha sakin nung makita ko ang dugo ko na nasa plastic bag isip ko bakit ang dami at tinanung ko kung i-do-donate ba yan? At anu yung nasa itaas ng dugo ko na medyo kulay dilaw na may pagka orange tinanung ko kung plema ba yan? Wala naman malinaw na isinagot ang ka-trabho Kong tomboy kaya inisip ko nalang na requirements sa trabaho namin.
Jenny

               Nagpapahiwatig sa iyong panaginip ang mga dugong nakuha sayo bilang mga  isyu sa iyong buhay na patuloy kang inuubos at inaalisan ng lakas, kapangyarihan at tiwala sa sarili kaya naman mag ingat ka sa mga taong nakapaligid sayo at kilalanin munang mabuti ang mga pakikisamahan bago magtiwala ng lubusan.

More Info Here

INSPIRASYON

lagi ko po napanaginipan ung bahay namin ngayon gusto naming bumalik pero laging sira ung bobong ,kusina at dingding minsan nmn ung puso negro..ano po ibig sabihin?salamat po
Inspirasyon

              

Ang iyong panaginip ay dapat mong pagtuunan ng pansin pagka’t ang bahay sa iyong panaginip ay repleksyon ng iyong pagkatao. Ipinararating sa iyo ng iyong panaginip na hindi mo masyadong pinagtutunan ng pansin ang mga bagay na gusto mong buuin sa iyong sarili at kailangan mo itong bigyang atensyon.

More Info Here

MA. LEVY STA. MARIA

Good day po ,ano po kaya ibig sabihin,napanaginipan ko po ang alagang tuta ng anak ko, ay malaki na daw malusog at maganda,kasama sya ng asawa ko nakadamit pa ito,ipinasan ito ng asawA ko sa likod ko takot na takot aq na baka kagatin aq pilit ko ito ipinapatangal ngunit ayaw umalis ng aso parang nakayakap pa sa akin dinidilaan ako nito,iyak ako ng iyak sa takot,khit maamo mabait at malambing ang aso
Ma. Levy Sta. Maria

               Ang paliwanag sa iyong panaginip ay nagpapahiwatig na ang tuta na alaga ng anak mo ay maaring parte ng iyong pamilya o iyong kaibigan na ninanais kang kausapin o makipag ayos sayo ngunit ito’y iyong hindi binibigyang pansin sapagka’t ika’y natatakot sa maaaring mangyari o di kaya’y hindi mo pa kayang lubos na magtiwala rito.

More Info Here

JONNA FE CABRERA

Anu po ang ibig sabihin ng panaginip q na may mga kuting marami sa daan pero may isang kuting na hinabol aq para kagatin pero inamo q pero sa huli nakalmot aq at naihagis q sya at pagbagsak mula sa mataas na lugar ay namatay sya at aq rin ay napatalon dahil hahabulin aq ng maraming kuting at sinalo aq ng alaga naming aso.
Jonna fe cabrera

              

Malalim at maraming pakahulugan ang iyong panaginip. Ito’y maaaring maihalintulad sa isang senaryo kung saan ang mga kuting ay mga taong pilit kang pinababagsak at tatraydurin kagaya ng pagkagat at pagkalmot sa iyo kahit pa inaom mo na ang mga ito. Samantalang ang aso naman ay ang iyong kaibiagan na nagpapahiwatig na sa kahit anong mangyari sa iyo’y sasaluhin ka nito at dadamayan

CATHERINE TIPP

hello good morning po tawaging nio nlng po akong kaths..
first-time ko pong managinip ng ahas etong kakagising ko lng po ahas ng npaginipan ko po. s aking panaginip po nakahuli po ng malaking ahas ang mama ata kpatid kong babae sinundan po ng bunso.
tinalian sa buntot at leeg npaka habang ahas po ngunit dumaan po ako sa mlau sa ahas dhil akala ko hindi na ako tutuklawin dahil sinabi ng mama ko hindi na dw ko tutuklawin kase pinutol na dw nia ang dila (ngunit bkit dila??? )
dumaan ako pag daan pagbalik ko tinuklaw nako sa paa..
sunod tinukalaw ang papa ko nman sa tiyan.. ng kuya ko sa binti.. hinila ko agad ng bunso namen ara hindi sya matuklaw.. tumakbo na dw kmi ng hospital para magpatingin ngunit lumbas kmi umuulan at baha pa.
sana po masagot nyo ang aking pnaginip first-time ko po kase manginip ng ganun at buong pamilya pa pero ung dalawng kpatid ko hindi kasali anim po kase kmi magkakapatid
catherine tipp

               Kaths ang iyong panaginip ay maraming ipinahahayag. Ang pagtuklaw ng ahas sa iyo at sa iyong pamilya ay senyales na may sisira sa inyong relasyon ng pamilya mo kaya’t mag ingat sa mga taong kikilalanin mo at pagkakatiwalaan. Ang dila ng ahas na pinuto ng ina mo ay maaaring naputol na ang kasinungalingan ngunit hindi ang lason na sisira sa inyo.

More Info Here

3 COMMENTS

  1. Norelyn Rosales

    Napanaginipan ko pong tumae po ako ng napakarami. Isang puno ng regular na timba. Kasing lambot daw ito at kasing itim ng putik. Iniisip ko daw po na itapon ito sa may kanal ngunit naisip ko pong mangangamoy ito ng husto kasi malapit lang sa amin. Iniisip ko daw po na itapon na lang ito sa may irrigation.Habang iniisip ko daw po ito at naghihintay ng tyempo na wala nang tao…dumating ang asawa ko at anak na babae at humingi po ako ng sorry sa asawa ko at nagpatulong ako sa kanya kung pano ko itatapon ang tae. Don na po naputol ang panaginip ko.

  2. Peach Freezie Jean Olarita

    Hi! ilang gabi na kasi ako nananaginip na may pupu/tae na nasa inidoro. Mga baradong inidoro na may tae, tapos pag binubuhusan ko yung isang inidoro na may dumi/tae, lumalabas sa kabilang inidoro.

    Thanks in advance sa pagpaliwanag.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here