Panaginip 8

Latest posts by Angel Jhanna Dela Cruz (see all)

Pa Noy

My panaginip po kasi ako na palaging bumabagabag sa isip ko, may bestfriend po kasi ako dati, tapos medyu nag ka hulugan kami, pero hndi naging kami talaga, hanggat lumuwas ako ng maynila di kami nagkita at wala kontak sa isat isa! Sa twing nanaginip ako sa kanya hndi ko sya makita, pero alam ko na sa panaginip ko anjan talaga sya! Parang ang daming alibi sa panaginip ko para hndi ko sya makita.like my pinuntahan daw, hihintayin ko nlg dw sya! Mayroon din na naka smile daw sya sakin na parang ang nkakaantig yung ngiti nya sakin! Anuh po ibig sabihin nito? Salamat po

            –           Ipinahihiwatig nito ay ang sobrang pagpapahalaga mo sa kaibigan mong ito. Gayon na lamang ang pananabik mo sa kaniya. Makabubuti kung gagawa ka ng paraan para makabuo kayong muli ng koneksyon at magkaroon ng komunikasyon. Maaaring kaya kanagkakaroon ng ganitong panaginip ay dahil sa pag-aalab ng mga damdamin mo. Dagdag pa rito na palagi siyang laman ng isipan mo kaya naman bitbit mo rin siya hanggang sa panaginip mo.

                        At ang mga positibong naaaninag mo sa mga panagini mo gaya ng pagngiti niya sa iyo at at ang mga alibi na iyong sinasabi ma ay baka nagpaparating din sa iyo na kung hindi man kayo nagkikita at kayo’y magkalayo ay umaasa at naniniwala ka pa rin na masisilayan mong muli ang kanyang mga ngiti.

See more

Tery36

Hi po pwde po pa eterpret ng panaginip na .. una po panaginip ko umuwi po ako sa bahay po namin.. tapos ung lp ko po sobrang galit sa akin kasi ang tagal ko daw umuwi.. so sa sobrang narindi ako kasi nagalit cya iniwan ko cya habang galit ung pagud na daw ako sa kakaselos nya kaya iniwan ko cya ..sa pag iwan ko sa kanya naglalakad akong mag isa pag lakad ko nahulog ako sa ilog na sobrang dumi .. parang stock na water na sa sobrang dumi nabara yung daloyan ng water .. sa ilog na yun nahulog ako sa dumi ng tubig na napakaraming tae or dumi ng tao….. tas umahun po ako… nainis ako sa mga tao dahil hindi nila kayang linisin oh alagaan ang daluyan ng tubig kaya ayun sobrang dumi at ung mga tae.. napakalking tae.. nastock duon … yun nagising ako sa inis ng mgq tao hindi marunong mag linis ng kapaligiran.. ano po ibig sabihin ..salamat po

            –           Sa ating panaginip ang tae ay nagpapahiwatig ng dalawang kahulugan na dumedepende sa sitwasyon sa ating panaginip. Isang kahulugan nito ay swerte na nakaayon sa nangyari sa mismong panaginip at ang isa pa ay mga negatibong emosyon o sama ng loob na nakaayon sa pangyayari sa panaginip at sa totoong buhay.

                        At sa kaso mo ay mga magkakahalong negatibong emosyon at sama ng loob ito. Sa unang parte pa lamang ng iyong panaginip ay mababakas na ito dahil sa nabanggit mo na pagiging upos mo sa laging pagseselos ng kinakasama mo. Ang tubig ay nangangahulugan rin ng mga agos o daloy ng problema na pinagdadaanan sa buhay at base sa panaginip mo ay nahulog ka sa ilog na posibleng ang kahulugan ay nahulog o bumagsak ka na sa mga problemang pinagdadaanan mo sa buhay. Makabubuti kung ito man ay nagyayari sa iyo sa totoong buhay o mangayari man ay dapat na huwag kang magpapadala sa agos bagkus ay labanan mo ito at huminig ka ng tulong sa iyong kinakasama, ito ay makatutulong para mas maintindihan at maunawaan ninyo ang bawat isa.

See more

Mary Grace
Magang araw PO sa inyo ako di Grace nais ko pong mabigyan Ng kasagutan ang panaginip ko nabutas daw ang leeg ko at ang lalim pinasok ko raw ang daliri ko sa butas tapos natatakot ako dahil di ko mahawakan ang dulo Ng butas napakalalim talaga Kaya kinuha ko agad ang kamay ko
Sana po mapapansin nyo ang minsahing Ito at Ng mabigyan Ng linaw o kasagutan Ng panaginip ko

            –           Mary Grace, bihira lamang ang ganiyang pangyayari sa panaginip pagka’t makahulugan at importante ang mga detalye ng dugo sa panaginip. Base sa pagkakaintindi ko sa iyong panaginip ay nabutas o nasksak ang leeg mo at ng kinapa mo kung may dugo ay wala kahit ang loob. Ito ay nangangahulugan ng pagkaligtas sa kapahamakan o posibleng masamang pangyayari. Isa itong senyales at magandang balita. Maaaring sa panaginip mo ay isa itong malalim na butas ngunit kung wala naming dugo ay isang ilusyon, possible ito sapagkat napakalawak ng imahinasyon natin kapag tayo’y nanaginip, lahat ay posible.

                        Hindi ka dapat mag-alala o kaya mabahala dahil ang ganitong pangyayari ay hindi posible na mangyayari sa totoong buhay. Gayunpaman ay hindi naman dapat nainiaasa sa panaginip ang mga ganitong klase ng panaginip o pangyayari.

See more

Ivy
Hello po, pwd po painterpret ng aking panaginip,madalas po aq managinip ng tae minsan po baha na at ndadala aq ng agos,may time naman po na nakikita ko tlga minsan hnd aq nandidiri minsan nman nandidiri aq at nagigising na,kgabi lang po nanaginip aq andami tae tapos kinain ko pa,ano po kaya ibig sabhin nun. Madalas dib po aq managinip ng ahas minsan aq ang hinahabol madami sila minsan nman aq ang humahabol saknla. Ano po kaya ibig sabhin nun. Slamat po, sana po masagot nyo. Ano rin po kaya lucky number ng ahas at tae. Thank you po ulit.

            –           Kagaya ng palagi kong sinasabi sa ibang nanaginip rin kaparehong sitwasyon mo. Ang tae sa panaginip ay dalawa ang kahulugan, swerte at negatibong emosyon na nakadepende sa sitwasyon o pangyayari sa mismong panaginip.

                        Ipinararating ng panaginip mo ay ang mga negatibong emosyon at sama ng loob na tila ba ay naipon na sa buhay mo. Kaht sa parte ng iyong panaginip na kinain mo pa ito ay nagpapahiwatig na hindi ka nagsasabi o nagbabawas ng mga pangit na emosyon sa puso mo at ito ay hindi mabuti. Ito naman ay senyales lamang sa iyo ng iyong panaginip. Posibleng ito ay taliwas sa kung anong nangyayari sa iyo sa tunay na buhay.
See more

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here