Panaginip 4

1
210

Latest posts by Angel Jhanna Dela Cruz (see all)

Jessica

Pude po magtanung?ano po ibig sabihin ng panaginip na may isang lalaki diko kilala gusto magbigay ng bulaklak tas may humarang na babae diko kilala din tas ang isang tangkay ng bulaklak nabali?salamat po!


Hyacint

ano po ibig sabihin ng panaginip na iihi ka lang ngunit napatae ka na rin..kinapa ko pa puwet ko kumapit sa palad ko tae.

Aaron

Sir sana ma paliwanag nyo ang panaginip ko at ng asawa ko bago lipat kami sa isang bahay, nanaginip ako ng multo babae at bata para ako binabangungot pero na gising ako binaliwala ko lang baka normal lang naman managinip ng ganun, pero nabahala ako sa sumunod na araw nanaginip ang asawa ko multo babae doon din sa bago bahay namin pero binaliwala ko kasi saakin babae at bata multo pero sa kanya babae lang, pero laki gulat ko na sundan ang panaginip niya bata naman, dito n ako na pa isip na magkaparehas kami na kami nanaginip ng multo babae at bata ang sakin lang magkasama sila, pero sa asawa ko una panaginip babae tapos sa next day bata naman, nag dasal lang kami agad, at ngayun nag hanap ako tungkol sa mga panaginip, sana po mabasa nyo ito, salamat po

  •         Malalim ang nais na iparating sa iyo ng panaginip ninyo ng asawa mo. Ang mga multo na babae o bata sa inyong panaginip ay maaaring nagpapahiwatig ng mga bagay bagay at responsibilidad na dapat ninyong harapin at kalabanin. Posibleng kaya rin kayo nakakapanaginip nito ay marahil sa tototng buhay ay may kung anuman kayong kinatatakutan o ayaw harapin.

        Sa buhay natin ay maaaring marami na tayong kinakaharap ngunit hindi rin natin masasabing hanggang doon na lamang iyon. Gayumpaman, magandang gawin pa rin ay ang harapin ang takot at kung anumang mga responsibilidad ang naghihintay sa atin.
Link: https://philippineone.com/dahil-pumasok-sa-bagung-bagong-bahay-dumiretso-sa-kuwarto-at-umupo-sa-kama-sey-ni-maestro-matatagpuan-mo-na-ang-iyong-forever/

Leslie

Hi po, Nanaginip ako sa buwaya , kasama yung family ko nun para mag bakasyon nagulat ako kasi yung sasakyan pwedeng gamitin sa tubig pero pagdating namin dun sa mismong tubig parang biglang nawala yung sasakyan na dapat naming gagamitin habng lumulusong kami sa tubig may tatlong buwaya (yung tubig po pala ang linis tapos sobrang linaw) yung unang buwaya hindi kami pinapansin yung pagdating sa pangalawa parang ang aggresive nya akala ko po ako yung hahabulin pero yung kapatid ko po pala nung nakita ko yun hinila ko po yung kapatid tapos ako yung humarang pero nung nakita po yun ni mama sabi nya umalis na kami after nun lumingon ako sa likod habang paalis parang inaamo nya yung buwaya dun sa pangatlong buwaya may pangalan yung buwaya hindi nya kami hinahabol parang naglalaro sya at sinasabi ni mama mabait daw iyon pero tinitingnan ko lang ayaw kong lapitan dahil natakot na ako ulit na baka lapitan kami.

  •         Ang madalas na ipinahihiwatig sa ating mga panaginip ng buwaya ay bagong pananaw o pangyayari sa buhay na maaari nating kaharapin. Ngunit isa pang simbolo ng buwaya ay mga takot at pag aalala. Ang nakita mong buwaya sa panaginip ay simbolo ng pag aalala at mga takot mo sa tunay na buhay. Iyo itong harapin at wag ipagsawalang bahala.
            Samantala nang sinabi mong inamo ito ng iyong ina ay syang senyales ng gabay pa rin ng iyong ina sa mga tinatahak mo sa buhay. Lalo na nang sinabi niyang huwag ka ng matako at mabait ang mga iyun ay maaaring ang pakuhulugan sa tunay na buhay ay huwag kang mag alala pagka’t kakayanin mo ito.
    Link:  https://philippineone.com/kahulugan-ng-panaginip-part-1-letters-a-to-c/

Eden

Ako nman po lagi aqung nanaginip ng maraming isda aqung nahuli,,,,at tsaka yung lumilipad daw po aqu…ano po ibig sabhin yung mga ganung panaginip.salamat po sa pagpansin

  •         Ang nais iparating sa iyo ng iyong panaginip ay ang maraming swerteng paparating sa iyo, madalas na pakahulugan ng isda sa ating panaginip ay swerte at pera. Kaya naman kaya mo rin napanaginipang ika’y nalipad pagka’t nag uumapaw ang swerteng paparating sa iyo, na para kang lumilipad.
            Sa kabilang banda naman ay maganda ring huwag magpakakampante sapagka’t hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ang ipinahihiwatig ng mga panaginip nating ito. Maganda kung huwag tayong umasa lamang sa swerte bagkus ay maging masikap kung may ninanais na abutin o makamit.

Link: https://philippineone.com/happy-habang-nanghuhuli-ng-isda-sa-baha/

1 COMMENT

  1. Nais ko lng po malaman kung anu ang ipinahihiwatig s akin ng madalas pong panaginip n lagi kmi ng anak ko naliligo s swimming pool pero napakalalim nmn ng tubig.kaya natatakot po ako n lumusong dahil bka ako ay malunod. Maraming salamat po.

  2. Hi po gusto ko lang po magtanong kung ano ang ibig sabihin ng panaginip ko. Nanaginip po kasi ako ngayon na may tae sa panty ko. Yun lang po nakita ko sa panaginip ko. Salamat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here