Panaginip 10

1398

Jessica arizala

Hello po maestro ung freind ko po nanaginip na nahilog dw ako sa ilog habang nagiinuman dw ung asawa ko at asawa nya nung nakita dw ako tinalon dw ako ng asawa nya para sagipin pero ang ending ung asawa dw nya ang pinagbintangan ko ipapakulong ko dw or need dw nila magbigay ng 200k para iaatras ko ung dimanda anu pong ibig sabihin nun

Kasagutan

Maraming nais na ipahiwatig ang mga pangyayari sa iyong panaginip. Isa ng halimbawa rito ay ang pagkalubog mo sa problema at pagkakaroon ng kataksilan. Sa lahat ng pagkakataon ay magandang gawin na mag ingat at huwag magtitiwala ng basta basta sa kung sino man.

                        Ang ilog at tubig ay sumisimbolismo sa mga problema. Huwag mong hayaan na malubog o malunod ka sa kung anumang problema ang dumating sa iyo.

See more

Quesa

Hello po Anu po Kaya ang ibig sabihin ng panaginip ng kapatid ko na Nkikita dw niya ako at ang aming ina na patay na na naglalakad patungo sa isang maliwanag?

Kasagutan

Kadalasang kahulugan at ipinararating ng ganitong mga panaginip ay ang pagkakaroon ng gabay at pagiging tapat sa mga obligasyon at responsbilidad. Hindi ka data na mag alala sa kung anuman ang nais iparating ng panaginip subalit hindi ka mo rin dapat itong ipagsawalang bahala.

Mas maganda kung ang panaginip mong ito ay maging inspirasyon mo sa mga bagay o problema ma kakaharapin mo sa buhay mo, gayun na din sa mga taong makasasalamuha mo. Ito’y simboliso ng pagiging matibay at sama sama ninyo sa kahit anong mga problemang mababangga ninyo.
See more

chrissanty bueno

Totoo po ba ito?? Sir rey thanks. Sino na nakagawa nito? Salamat gsto ko kse mabalisa ung tatay ng baby ko
                       

Kasagutan

Hindi tiyak kung ilang tao na ang nakagawa ng gayumang ito, gayumpaman, kung epektibo man nga ito o hindi ay sana maisip natin na lahat ng gagawin nating mga hakbang at bagy na pagdedesisyunan ay may panganib na kakabit at may kapalit. Ang karma ay palaging nakakabit sa ating lahat.

Isa pa ay ating isipin na walang ikabubuting dulot ang paghihiganti at paghiling ng kasamaan sa kapwa natin tayo man ay ginawan ng mali. Laging mas lamang ang mga taong may malawak na pang unawa at pang intindi.
See more

artur corals varire

masgrabe kung kadugo mo pa ang magtraidor sau….kung ibang tao… ok lang at gawin modin sa kanya ang ginagawa nya sau….pweding patayin pag malalim na ang atraso…pero kung kadugo mo pano..? kakayanin mo kayang higupen ang sariling mong dugo….?

Kasagutan

Kagaya ng palagi mong naririnig sa mga nakatatanda at nakararami, kakarmahin ang dapat karmahin. Tunay nga na hindi naman palagi na maiiiwasan ang galit at pagkamuhi ngunit kung kayang iwasan at magtimpi ay mas makabubuti itong gawin.

                        Palagi nating isipin na walang mabubuting dulot ang paghihiganti at paghiling ng kasamaan sa kapwa natin. Kahit tayo man ay ginawan ng mali. Laging mas lamang ang mga taong may malawak na pang unawa at pang intindi.

See more

edwin

hello po ako po si edwin, gusto ko lang po malaman kung ano ibig sabihin ng panaginip kong may kinakarga akong sanggol tuwang-tuwa daw ako sa bata tas sumunod na panaginip ko po ay nakasakay kami ng pamilya ko sa isang bangka sa ilog na mapayapa ang tubig at mabagal ang andar ng bangka kasi nagsasagwan kami tapos nanaginip din ako ng itim na brilyante sa pangpang ng dagat yon lang po..

Kasagutan

Maganda ang nais na iparating sa iyo ng iyong panaginip. Makahulugan ito at maraming nais na iparating sa iyong buhay kasama ang pamilya mo. Ang sanggol ay posibleng bagong tao na paparating s inyong buhay. At ang ilog o tubig sa paligid naman ay simbolo ng mga problema na babagtasin at lalakbayin ninyong pamliya ng sabay sabay.

Mabagal ngunit payapa. Pahiwatig na kahit gaano man kahirap ang problema nyong iyan ay malulutas ninyo dahil sama sama kayo. At ang itim na brilyante ang madalas na ibig sabihin ay swerte at grasya.

See more

Lar chayada

Ako din po napapaginipan ko ang ex ko, bigla bigla nalang sumusulpot sa panaginip ko. Ang sbi nya sa panaginip ko ikakasal na dw sya eni envite nya ko, at sbi din ng mother nya mentrAs hndi pa sila kasal magkabalikan na kayo ng anak ko.Pru kasal npo ako at may asawa na. Sna wag na syang magpakita ulit sa panaginip ko kasi matagal na akong nka moveon.
           

Kasagutan

Nasa saiyo naman iyan. Kung anong mga desisyon na gagawin mo sa buhay ay iyun din ang kalalabasan sa bandang huli. Mas makabubuti kung isipin mo munang mabuti ang mga bagay na gagawin at hakbang na isasagawa mo. Ikaw ang gagawa ng imahe para sa sarili mo at ikaw ang uukit ng sarili mong tadhana.

See more

Me you

Hello po. Napanaginipan ko po na sa isang kwarto para ciang isang sinehan.madilim at maramaing mga nakaupong mga tao.hnd ko man po nkita ang big screen wari ko po tlga para ciang sinehan tlga.. nkasemi dress po ako at nkasandal na kulay puti.mataas po ang sandal na suot ko.komportable po paa ko sa sandal. Ang bilis ko pong umakyat sa hagdan. Nsa pinakataas na hagdan po ako umupo. Ano po kya ibig sabihin ng panaginip ko? Salamat po sa pagtugon sa king tanong.                        

Kasagutan

Maaaring ipinararating nito ay ang pagiging madilim ng buhay mo. Ang pagiging mag isa mo. Ito ang madalas na ipinakahuhulugan ng ibang mga panaginip ng gaya ng sa iyo. At bagama’t ika’y nag iisa at walang kasama sa lugar na iyon sa panaginip mo ay ito’y hindi naging hadlang para makarating ka sa pinkataas ng lugar na gusto mong puntahan. See more

Snoufis


Hello po nakagising po ako dahil sa panaginip kong tumatae daw ako. Nakakahiya kc daw ang dami nakaalam na taeng tae na ako babyahe daw kc ako tapos may kasama ako pero ndi ko matandaan kung sino tapos ndi daw kmi makaalis kc taeng tae na ako tapos yak kadiri ndi daw talaga mapigilan tumae ako sa plastic halos mapuno daw yong plastic tapos gusto ko daw tumae kaya lng pinutol ko na lng tae ko kc nahihiya ako tapos may nagsabi sa akin na kain ka kc ng kain kaya ang dami mong tae.Tapos bigla ako nagising kaya umihe nlng ako tapos tiningnan ko cp ko kc e search ko sana kung ano ibig sabihin nun una kong nakita ay yung message ng googĺe na nag pop up na 6/58 ultra lotto result view gnun. Ano po ibig sabihin nun ang dami kong tae.Salamat po

Kasagutan

Madalas na kahulugan ng tae o dumi sa ating panaginip ay sama ng loob. Gaya ng nilalaman ng panaginip ng ibang tao, ang paglalabas ng tae o pagbabawas ay nangangahulugan ng pagtatanggal ng sama ng loob at ng mga negatibong emosyon sa buhay natin. Ngunit sa ibang pagkakaataon ay nangangahulugan rin ito ng swerte. Simbolismo ng grasya na nakadepende sa kung anong mga imahe ang nakita mo sa iyong mga panaginip. Ngunit kahit na nakita mo ang lahat ng ito sa iyong panaginip, kung iaaasa mo lamang sa swerte ang lahat ng mga bagay na nangyayari sa buhay mo ay wala ring mangyayari sa iyo. Tandaan na ikaw ang gagawa ng sariling swerte sa buhay mo.

See more

Tessyam

Mapagpalang gabi po maestro ask ko lang ang kahulugan ng aking paniginip ng pagpasok ko banyo para umihi nakita ko ang inodoro na maraming tae ng daga may itim at may halong puti napasigaw ako at tinawag ko ang asawa ko na “tatay” biglang dumaan sa harapan ko ang malaking daga, sumigaw uli ako ng tatay! Maraming salamat po sa agad na pagpapakahulugan sa aking panaginip
                       

Kasagutan

Kamalasan. Iyan ang maaaring pahiwatig ng panagini mo. Ang dumi at ihi ng mga daga ay madalas na nagapakahulugan ng  puwerwisyo lamang sa buhay natin. Samantala sa iyong panaginip ay napakarami mong daga at dumi na nakita. Gayumpaman, makabubuti a rin na huwag kang magpatinag sa iyong takot at isipin mo na kakayanin mo ang mga bagay na ito sa buhay mo. At iyong tandaan na kung kamalasan man ang pinababatid ng panaginip mo ay sa totoong buhay ay ikaw at ikaw naman ang gagawa ng swerte sa buhay mo. Ikaw ang uukit ng kung ano man ang magiging takbo ng kapalaran mo.
See more

Michelle

Magandang hapon po maestro itatanong ko po n bakit po ako nakakakita ng tubig sa panaginip at kahit n gising ako s umaga? Ang weird po kc. Sa panaginip, malinis n tubig umaapaw sa mga lalagyanan. Kung sa gripo di b dapat po pababa Ang tulo yun nmn po pataas Ang pagtulo. Kapag gising nmn ako halimbaw po naglalakad ako o nakaupo bigla nalang n meron falls mismo sa harap ko at nung isang beses nmn NASA tabing dagat ako. Parang namamalik mata po ako? Thank u po sa isasagot inyo.

Kasagutan

Alam mo ba na ang madalas na kahulugan ng tubig sa ating mga panaginip ay mga problema na kakaharapin aat pinagdadaaanan natin. Kaya naman kung ikukumpara mo ito sa iyong panaginip ay nangangahulugan lamang ito ng mga problema na mapagdadaanan at kakaharapin mo. Hindi ka naman namamalikmata lalo na kung sa panaginip mo ito nangyari. Normal ang ganitong mga sitwasyon.  See more

Ella mae jocutan

Hello po
Ask ko lang po anung ibig sabihin ng panaginip ko na nakikipag away daw ako sa madaming tao even kamag anak para protektahan si papa s pang aapi nila

Kasagutan

Hindi masyadong malinaw at kumpleto ang detalye sa iyong panagini ngunit kung ito naman ay nangyayari sa totoong buhay ay nangangahulugan lamang it ng kung gaano ka katapang at katatag bilang isang anak. Ito’y nagpapakita ng pagtupad mo sa obligasyon at responsibilidad mo bilang anak at gabay na din kung minsan sa magulang mo.See more

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here