Pamahiin Utang: Paraan para di ka lumubog

Malapit na ang Bagong Taon kaya dapat ay siguraduhin mo na wala kang pagkakautang kahit na kanino. Ito naman ay kung nais mo talagang maging maganda ang buhay mo sa susunod na labing dalawang buwan. Kung di mo kasi babayaran ang iyong mga pagkakautang, malaki ang tendensiya na di ka makaahon sa’yong pagkakautang dahil naumpisahan mo ang Taon na may utang ka.

Iyon nga lang, may pagkakataon na kahit na gustuhin mong magbayad ng utang kung wala ka namang ibabayad ay di mo rin ito mababayaran. Ang tanong nga lang, wala ka nga bang ibabayad o baka naman ayaw mo lang magbayad.

Kung sadyang wala kang ibabayad, maaari mo namang kausapin ng masinsinan ang iyong pinagkakautangan. Baka sakaling kapag natuto kang makiusap ay maintindihan ka na rin ng pinagkakautangan mo. O kung may mabuti talaga siyang puso at maliit na lang ang utang mo sa kanya ay sabihin na lang niya sa’yong, ‘huwag mo na bayaran ang utang mo. Pamasko ko na lang sa’yo, ‘yan’.

Samantalang kung ikaw naman ay mayroong pera pero nanghihinayang kang pawalan kaya ayaw mong magbayad ng utang, siguradong kahit matakasan mo ang pagkakautang mo sa taong iyon, hindi mo makakamit ang suwerteng inaasam mo. Baka nga, sa susunod na taon ay malasin ka pa dahil bago pumasok ang bagong taon ay nagawa mong makapanakit ng damdamin.

Baka hindi mo alam, sobrang sakit sa pinagkakautangan mo na takbuhan siya gayung pinagkatiwalaan ka niya ng husto noong pautangin ka niya. Kaya kung iisipin mo, di lang pera niya ang ibinigay niya sa’yo, pati na rin ang kanyang tiwala. Iyon nga lang, nagawa mo iyong sirain dahil di ka nagbayad sa kanya.

Saka, baka di mo alam, mabilis magtrabaho ang karma kaya baka katakut-takot na kamalasan ang makamtan mo sa susunod na taon. At kapag nangyari iyon, tiyak na mas pagtatawanan ka ng taong pinagkautangan mo dahil masasaksihan pa nila kung paano ka mas lumubog.

SHARE
Previous articleTITANIC, NAGPAPADALA NG SOS SIGNAL KADA 6 NA TAON
Next articleWala mang tao, may nagmamasid sa’yo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here