Pamahiin Utang: Huwag kang Magbabayad sa Gabi

Naku po, siguradong maraming utangero at utangera ang matutuwa sa palusot na ito. At least may dahilan sila para di magbayad ng utang sa gabi. Kaya lang, totoo nga bang malas ang magbayad ng utang sa gabi?

Nang una, di ko naman ito gustong paniwalaan kaya kadalasan, sa gabi ako nagbabayad ng aking utang pero napapansin ko, kapag sa gabi nga ako nagbabayad ng utang, parang ang bilis maubos ng pera ko gayung di naman ganu’n kalaki ang aking binabayaran. Hanggang sa mayroon ngang magsabi sa akin ang kamalasang pwedeng ihatid sa’yo kapag sa gabi ka nagpawala ng pera.

Ang ‘pera’ raw kasi ay maikukumpara sa tao na kapag itinaboy mo ay maaari siyang malasin pero dahil sa ikaw ang tao, ikaw ang mamalasin dahil mawawalan ka ng pera. Kaya, kung ayaw mong kapitan ng kamalasan ang iyong gabi na baka madala mo pa bukas o sa susunod na araw, ipagpabukas mo na ang pagbayad ng utang. Tiyakin mo lang na magbabayad ka para di magalit sa’yo ang taong pinagkautangan mo.

Para naman sa mga taong nagpapautang, kailangan n’yo ring tandaan na di kayo dapat magpautang ng sobrang aga dahil hindi papasukin ng suwerte ang iyong negosyo. Saka, kapag naumpisahan ka ng utang, asahan mong sa susunod mong customers ay laging kulang ang ibabayad sa’yo.

Kaya, kung ayaw mong magpamalas, tandaan mo ang mga sinabi ko.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here