Pamahiin Ulan: Nakapapatid ng Katinuan

60

Umiiyak daw ang langit kapag umuulan, ito ang nakalakihan kong paniniwala. Marahil gusto ng magulang ko na maging mabuti akong bata kaya ganoon ang sinasabi nila kapag umuulan. Kuwento kasi nila, marami raw kasing nagawang masasama ang mga tao kaya hindi na napigilan ni God ang maiyak. Siyempre naman sa aking pagtanda, alam kong ang dahilan ng pag-ulan ay dahil sa tawag ng kalikasan. Kailangang umulan para mabalanse ang mundo. Hindi maaaring lagi lang mataas ang sikat ng araw. Matutuyo ang mga pananim at mamamatay ang mga hayop dahil makakaramdam ng sobrang pagkauhaw.

 Kaya, kung umuulan ay huwag kang masyadong mainis dahil nakakatulong din ‘yan sa ating buhay. Gayunman, kailangan mo rin naman na mag-ingat na magpaulan ng husto lalo na kung masama na ang pakiramdam mo. Baka, di mo kayanin at tuluyan kang magkasakit. Pupuwede ka ring mapulmunya at humantong ka sa kamatayan. Sigurado naman akong hindi mo rin gugustuhing mangyari iyon, di ba?

 Kung ikaw naman ay kagagaling mo lang sa panganganak, iwasan mo ang maulanan. Magiging rason kasi ‘yan para mapatid ang katinuan mo. Dahil kung malalamigan ka ng husto, magiging daan ‘yan para pasukin ng lamig ang buo mong katawan at ito ay aakyat hanggang sa’yong utak. Ganyan din ang maaaring mangyari kapag ikaw ay hindi na halos kumain, mapalalaki man o babae, maaaring mapatiran ng katinuan.

 Sigurado naman ako na hindi mo ‘yan gugustuhing mangyari sa’yo, di ba? Kaya, kung nagugutom ka o kaya naman ay bagong panganak ka lang, huwag na huwag kang magpapaulan at baka magsisi ka lang. Pupuwede ngang wala ka na ring malay kapag napatid ang katinuan mo, pero, gugustuhin mo bang magdusa ang iyong pamilya?

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here