Pamahiin Ulam: Para sa Mahihilig sa Isda

Kung plano mo talagang mag-diet, hindi ka kakain ng mga pagkaing sobrang mamantika, matatamis at maaalat dahil malakas itong makapagpataba. Iiwas ka rin sa paborito mong ulam na sitsaron at porkchop. Siyempre, mas maigi rin kung pangangalagaan mo ang iyong puso. At ang the best na ulam para sa mga health conscious ay isda.

Masarap naman ang isda lalo na kung may swak kang sawsawan. Ang problema na nga lang, kung mapapadami ka ng kanin ay hindi ka rin magtatagumpay sa goal mong magpapayat. Gayunman, siguradong gaganda naman ang mood mo dahil kapag nabusog ka ng husto ay makikita sa mukha mo ang kasiglahan.

Mas makakaramdam ka nga lang ng kasiyahan kung ikaw ay magkakaroon ng magandang buhay. Mangyayari lamang iyon kapag wala kang problemang dinadala. Well, lahat naman ng tao ay nagkakaroon ng problema pero hindi naman tulad kapag kinakapos ka na sa pera. Tulad nga ng sabi ng marami, sa panahon ngayon, pera na ang nagpapaikot sa mundo kaya nga lahat ng paraan ay ginagawa natin para magkaroon tayo ng maraming pera, pero, alam mo bang sa pamamagitan ng pagkain ng isda ay maaari kang suwertehin?

Ang kailangan mo lang gawin, kapag kakain ka ng buong isda ay simulan mo muna sa buntot papunta sa ulo. Sa pamamagitan daw kasi nito ay makasisigurado ka na magiging pasulong ang iyong buhay. Ibig sabihin noon, siguradong ang buhay mo ay magiging maganda.

O, kaya mo ba itong gawin?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here