Pamahiin Ugoy: Tingnan mo ang Tumba-Tumba

Masarap umupo sa tumba-tumba kung talagang gusto mong mag-relax. Pumikit ka lang ay siguradong makakatulog ka. Mistulan ka kasing sanggol na inuugoy-ugoy kapag nakasakay ka sa rocking chair o tumba-tumba. Kaya naman, hindi makaagtataka kung ikaw ay dalawin nang antok.

Ngunit, ikaw nga lang ba ang sumasakay sa’yong tumba-tumba? Kung mayroon kang anak o apo na maliit, sigurading mai-enjoy din nila ang pagsakay sa tumba-tumba. Kaya nga lang, kung minsan, ginagawa nilang laro ang pag-ugoy dito. Kung minsan nga ay ginagawa nilang panakot iyon sa kanilang mga kalaro. Para kunwari ay may multo, iuugoy nila iyon saka tatakbo para kapag lumingon ang ibig nilang takutin ay maiiyak ito sa takot.

Kapag nakita mong ganoon ang ginagawa ng iyong anak o apo, mas maigi kung sasawayin mo sila. Ayon kasi sa pamahiin, kapag ang tumba-tumba ay inugoy mo kahit walang nakasakay dito ay maaari itong sakyan ng multo at kung ma-enjoy din nila ang pagsakay doon, hindi na sila aalis pa.

O, gusto mo bang mangyari iyon? Handa ba ang puso mong makita na ang iyong rocking chair ay umuugoy kahit walang tao? Kapag ang katanungan mo ay nasagot, makapagdedesisyon ka na rin kung hahayaan mo ang iyong anak o apo na nilalaro ang iyong tumba-tumba.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here