Pamahiin Tungkol sa Kamatayan at mga Preparasyon Ukol Dito

377

Napakaraming mga pamahiin o paniniwala ang tao lalo na at ito ay patungkol sa isang mahal sa buhay na namayapa. Sa mismong oras ng pagkamatay at ang mga kaakibat na preparasyon ukol dito ay madalas binibigyang konsiderasyon pa rin ng tao hanggang sa kasalukuyan ang mga pamahiing ito. Basahin ang ilan sa mga ito…

1. Sa mismong pagkamatay ng isang tao, ang damit na suot nila sa kanilang libing ay dapat na lagyan ng konting asin ang leeg na bahagi upang hindi ito lapitan ng masamang ispirito. Sinasabi rin na ang pamamaraang ito ay nakatutulong makaiwas sa pamamaga at purtrefaction.

2. Kung ang katawan ng namatay ay malutong na pagkatapos nitong mamatay, ang isang miyembro ng pamilya nito ay hindi magtatagal at susunod sa kanya.

3. Walang miyembro ng pamilya nang namatay ang dapat na tumulong sa pag-aayos ng katawan para sa paglalamay, dahil ang pagkakasakit nang matindi ang kasunod nito.

4. Ang mga barya ay kadalasang inilalagay sa mga mata ng namatay upang hindi ito bumukas. Kung ang mata ng bangkay ay manatiling nakabukas, sinasabing naghahanap ng ‘kasunod’, at ang isa pang kamatayan ay mangyayari uli.

5. Ang pagwawalis sa bahay bago ilabas ang bangkay ay nagsasabi na ang taong nagwalis ay siyang susunod na mamamatay.

6. Ang isang pamahiin na mula sa Europa ay kapag nagdugo ang ilong ng bangkay, senyales ito na ang pumatay sa bangkay ay nasa loob ng kuwartong iyon.

7. Huwag ilagay ang mga damit ng nabubuhay sa bangkay ng namatay. Ang taong ito ay mamamatay sa sandaling mabulok na ang damit.

8. Kapag ginamit sa pag-aahit ang pang-ahit ng namatay, ang iyong balbas ay magiging kulay abo nang wala sa oras.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here