PAMAHIIN; TUBIG

0
307

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Ang tubig ay napakahalaga sa lahat. Sa tao, sa hayop at sa mga halaman. Kung walang tubig ay mawawalan din ng buhay ang mundo. Alam na nating lahat kung ano ang nagagawa nito sa ating katawan at kalusugan . Kaya naman ganoon na lang ang pagpapahalaga natin dito. Kung ang tubig ay may kakayahan na magbigay sa atin ng buhay, ang tubig ay meron ding kakayahan na bumawi nito, halimbawa na lang ay ang mga nalulunod. Nakakalungkot isipin na ang tubig ay naiuugnay din sa mga pamahiin. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga pamahiing ito.

1.Palagi dapat maglagay ng isang basong puno ng tubig sa ibabaw ng fridge o kaya naman ay sa likod ng pintuan dahil ito raw ay may kakayahan na makapag-absorb ng masasamang espiritu. Nagagawa rin nitong itaboy ang mga ligaw na kaluluwa upang huwag pumasok sa inyong tahanan.

2.Ang mga babaeng buntis ay hindi dapat umiistambay sa harap ng dagat at ilog dahil ang batang dinadala nila ay maaaring agawin ng hindi nakikitang nilalang mula sa kailaliman ng mga anyong tubig.

3.Hindi rin dapat nagbababad ang isang buntis sa kanyang pagligo dahil malalagay rin sa peligro ang dinadala niya sa kanyang sinapupunan.

4.Ang pagbuga o pagsasaboy ng tubig ay sinasabing nakapagbibigay ng suwerte. Kung ikaw ay bagong lipat ng bahay, kapag naipasok mo na ang lahat ng gamit ay maari mong sabuyan ng kahit isang basong tubig ang loob ng inyong bahay upang mawala ang malas.

5.Kapag daw ikaw ay aalis ng bahay, mag-iwan ka ng isang basong tubig sa mesa. Kapag dumating ka na at nakita mong malabo ang tubig sa baso, ibig sabihin ay may kaluluwa sa loob ng inyong tahanan. Kung ito naman ay hindi nabago at nanatiling malinaw, walang kaluluwang naglagi sa inyo.

6.Pinaniniwalaan din na malas kung ikaw ay makikipagtoast ng baso na may lamang tubig. Dahil maaantala daw nito ang pagtawid sa ilog ng mga kaluluwa.

7.Kapag ang bata o kahit pa matanda na nahulog sa hagdan, ang kanyang kinabagsakan ay binubuhusan ng tubig upang wala ng iba pang mahulog. Tinataboy kasi ng tubig ang kamalasang hatid nito.

Ilang lang iyan sa mga pamahiing may kinalaman sa tubig. Kung meron pa kayong alam na iba pang pamahiing naiuugnay sa tubig ay maaari nyo din pong ibahagi. ffffffff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here